MANILA, Philippines – Ang last taping day kahapon ng Ang Panday na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez sa TV5.
Malamang na hanggang Thursday na lang ang airing ng Ang Panday.
Maraming mga plano si Richard para sa kanyang showbiz career, pero may iba pa rin siyang mga proyekto na walang kinalaman sa showbiz na kanyang pinaghahandaan.
Sa ngayon, tututok muna si Richard para sa 4th season ng reality TV series nila sa E! international channel, ang It Takes Gutz to be a Gutierrez.
Fans ni Jane ‘ginugulo’ si Jeron Teng
Naloka ang isang kakilala namin na malapit sa pamilya ng DLSU Green Archers basketball team member na si Jeron Teng sa komento ng ibang fans na obviously ay maka-Jane Oineza.
Dapat daw kasing pagsabihan si Jeron tungkol sa panliligaw sa UAAP courtside reporter nilang si Jeanine Tsoi.
Dapat daw ay hindi pa manligaw ng iba si Jeron dahil kahihiwalay pa lang daw nila ni Jane.
“Gustung-gusto ko na talagang sagutin ‘yung fans na nagsasabi ng ganoon. Bakit ba kailangan nilang diktahan si Jeron sa gusto niyang gawin?!” sabi ng kausap namin.
Depensa pa ng taong kausap namin, bagay naman sina Jeron at Jeanine at maraming fans, lalo na ang supporters ng DLSU basketball team, ang natutuwa at kinikilig sa dalawa.
Mas maganda nga raw kung aamin na sina Jeron at Jeanine na sila na talaga!
William nagmukhang fresh na uli
May mga litrato ang 80’s matinee idol na si William Martinez na pumayat at mukhang bumata uli.
Nang huli naming makita si William sa isang basketball game ng Ateneo de Manila University (supporter siya ng Blue Eagles basketball team), parang ang tanda ng dating ka-loveteam ni Maricel Soriano.
Pero sa isang litratong pinost kamakailan ni Snooky Serna, looking good na uli si William at very healthy ang hitsura.
Komento nga ng ibang mga nakakita sa litratong ‘yon, sana raw ay magkaroon na uli ng regular TV show si William.
Sana raw katulad ni Albert Martinez ay maging active uli sa kanyang showbiz career ang estranged husband ni Yayo Aguila.
Oo nga pala, magkaibigan pa rin sina William at Yayo, pero parang hanggang doon na lang sila at malabo nang magkabalikan pa.
Liz Alindogan gustong buhayin ang tatlong dekada nang pelikula
Nagkaroon ng reunion ang original cast ng pelikulang Diary Of Vietnam Rosie.
Ang pelikulang ‘yon ay sinimulang i-produce ni Liz Alindogan 30 years ago at hindi na natapos.
Ang alam namin, may special na gagawin ang Cinema One kaugnay ng The Diary Of Vietnam Rosie.
Sa mga kuwentuhan din namin ni Liz, madalas niyang sabihin na itutuloy niya ang pelikula sa tulong ng line-producer niyang si Maria Isabel Lopez.