Gown ni Andi sa Cannes, gawa ng kaibigan ni Heart

Gawa pala ng designer na si Mark Bumgarner ang suot na blue gown ni Andi Eigenmann sa Cannes Film Festival nang umakyat siya sa stage kasama ang inang si Jaclyn Jose na winner ng best actress award.

Post ni Mark, “I never in my wildest imagination dreamed that my dress would be on world stage, in Cannes, no less and worn by one of the most talented actresses of our generation. Thank you @andiegengirl you look stunning.”

Kaibigan ni Heart Evangelista si Mark at siya ang nagpakilala rito sa mga kaibigan niya sa showbiz. Nagkaroon na ng collaboration sina Heart at Mark dahil ang Kapuso actress ang siyang nagpi­pinta ng designs sa gowns na ginagawa ng designer.

No wonder, mabenta na sa showbiz ang dini­senyong damit ni Mark.

Sid nakasungkit din ng best actor award

Aba, winner din pala si Sid Lucero ng Best Actor award sa 19th Los Angeles Comedy Festival para sa performance niya sa pelikulang Toto ni Paul Su. Ang nasabi ring movie ang winner ng Best Fo­reign Film award. Ang nakuhang award ni Sid at ng pelikula ay inanunsyo ng manager ng aktor na si Ricky Gallardo sa kanyang Facebook account.

Bago si Sid, naka-jackpot din ng best actor award si Jake Cuenca sa 2016 World Cinema Festival na sinundan ni Jaclyn Jose sa Cannes Film Festival.

Magkasama ngayon sina Jaclyn at Sid sa The Millionaire’s Wife ng GMA. It runs in their blood kahit na nga mas maraming kababayan ang nagbubunyi sa panalo ni Jaclyn.

Regine hindi na gumala sa Amerika

Lipad agad pabalik ng Pilipinas si Regine Velasquez-Alcasid at hindi na gumala pa after ng kanyang series of concert sa Amerika.

Hindi kasi itinatago ni Reg ang pagka-miss niya sa anak na si Nate. First time niyang mahiwalay sa anak nang matagal-tagal kaya agad siyang nangulila rito.

Buti naman, hands on si Ogie sa pag-aalaga kay Nate. Kaya naman nakampante rin ang asawa niya kahit wala siya sa piling ng anak.

Siyempre, na-miss din si Regine ng mga anak-anakan naman niya sa series niyang Poor Señorita.

Carrot Man hitsurang model na!

Nawala na ang probinsyano look ni Carrot Man a.k.a. Jeyrick Sigmaton sa Carrot Project Series II ni Avel Bacudio at ng BoardWalk PH Glam Team.

Lutang na lutang ang pagiging photogenic ni Jeyrick sa video shoot niya. Mukhang natuto na siyang humarap sa kamera, huh!

Inayos ang buhok, styling ni Avel at clothes by Avel Designs at photo ni Je­rick Sanchez.

Kapag naaayos na ang pagsasalita at pumasa sa acting workshop, puwede nang isabak si Carrot Man sa drama, huh!

 

Show comments