Bea online seller na rin

Bata pa lang si Bea Binene ay mahilig na itong mag-business. Natatandaan namin na child actress pa lang si Bea ay nagtitinda ito ng kung anu-anong fashion accessories.

Ito raw kasi ang hilig ni Bea noon pa, kaya kung magnenegosyo raw siya ng sarili niya, may kinalaman ito sa fashion.

Ngayon nga ay meron na siyang isang online business na The Style Bin kung saan ka-partner niya ang stylist na si L.A. Ferriols.

Ang pinu-push nga ng kanilang online business ay ang kanilang bag line na very stylish, functional at very affordable.

Kelan lang ay pinakita ni Bea ang kanyang bag designs sa iba’t ibang bazaars tulad sa Heatwave Clearance Sale at sa World Trade Center in Pasay City.

Bukod sa kanyang bag line, meron ding online baking business si Bea called Bea Bakes. Ino-offer naman dito ni Bea ay ang mga natutunan niyang i-bake na mga pastries nang minsan mag-aral siya ng culinary arts.

Baron at UP student, nagkaayos na

Nagkaayos na sina Baron Geisler at ang fine arts student na si Khalil Verzosa pagkatapos mag-viral ang isang video kung saan pinapakita ang aktor na bine-verbal abuse ang film student at na-headlock choke pa ito.

Inamin ni Verzosa na kasalanan niya kung bakit nagalit sa kanya si Baron dahil kinuha niya ito bilang talent sa isang gagawin niyang video production pero nakalimutan niyang padalhan ng script. Kaya dumating si Baron na galit na galit.

“Baron and I spoke on the phone and resolved the issue between ourselves,” diin ni Verzosa na nagme-major in Visual Communications sa University of the Philippines.

Ang gagawin ngang video ni Verzosa ay tungkol sa Republic Act 9262 or the Anti-Violence Against Women and Their Children Act.

“I hired Baron knowing full well his court cases on women. Why? For him to apologize and speak to the minds of people who look up to him.

“What I really want to point out is that even if this petty fight between guys became this viral, why do we not focus on the reality that women get harassed on the streets? Baron believes in this, we talked about it.”

Na-delete na nga ni Verzosa ang naturang video at nakikiusap siya sa marami na huwag na itong i-share sa kung kani-kanino pa.

“We all need to realize that violence isn’t the answer, violence in all forms,” diin pa niya.

Ang kinagalit ni Baron sa pagkalat ng video ay mas lalo pang nabahiran ng hindi maganda ang matagal nang nasira niyang reputasyon bilang aktor.

Public knowledge na may history si Baron na maging bayolente dahil sa naging bisyo nito sa pag-inom ng alak.

Pero sa pagkakataong ito, may rason kung bakit siya nagalit at nakagawa siya ng hindi maganda kay Verzosa.

Sef kinukwestiyon ang pagiging judge

Dapat pala ay isa sa contestants ng Laff, Camera, Action si Sef Cadayona. Pero napagkasunduan ng mga bossing ng show na gawin na siyang isa sa tatlong judges na binubuo nina Gladys Guevarra at Direk Cesar Cosme.

Marami tuloy ang nagkuwestiyon kung may karapatan na bang mag-judge si Sef?

“Sa palagay ko naman po, iba-iba ang genre ng comedy ngayon, eh. Iba-iba na ang levels niya. Kaya nga tatlo kami na galing sa iba’t ibang generations na may kinalaman sa comedy.

“Yung part ko, idya-judge ko sila sa paraan na walang mao-offend. Hahanapan ko ng magandang points ang performance nila, pero may konting sarcasm lang kung hindi ako masyadong natuwa.

“Katuwaan lang naman talaga ito. And I guess ‘yung mga contestant namin, sanay na sila na nahuhusgahan sila sa mga ginagawa nila,” ngiti pa ni Sef.

Kung tutuusin, kahit baguhan si Sef, marami na itong naging achievements sa kanyang career. Nanalo na ito ng ilang awards para sa kanyang pagiging comedian. Nagbida na rin ito sa sarili niyang comedy series.

Show comments