Hinirang na new #HIV Prevention Ambassador by Aid for AIDS si Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach.
Noong nakaraang May 15 ay pinakita niya ang kanyang devotion sa cause na ito sa pamamagitan nang pagsindi ng kandila sa naganap na International AIDS Candlelight Memorial.
Ang hangad ni Pia ay ang maging aware ang lahat ng mga tao tungkol sa HIV/AIDS sa pamamagitan ng pagdaan sa isang HIV test at magpakita ng pagmamahal at suporta sa mga taong may ganitong sakit.
“Lighting a candle for International AIDS candlelight memorial day. Raising social awareness and breaking down the stigma. But most importantly, do you know your status?” post pa ni Pia sa kanyang Instagram.
BetSheen kabado sa Laff…
Kapwa excited na sina Sheena Halili at Betong Sumaya dahil sila ang napiling hosts ng pinakabagong improvisational comedy game show na Laff, Camera, Action!
Parehong mahusay sa comedy ang dalawa, kaya naman sa tambalan nila ay tinatawag na silang BetSheen.
First time ni Sheena sa ganitong klaseng hosting job, samantalang si Betong ay sanay na dahil sa mga ginagawa niyang pag-host sa mga regional at international shows ng GMA 7.
“Actually ayaw ko talaga isipin na big project siya para hindi rin ako mabigatan at hindi rin ako ma-pressure.
“Gusto ko lang din talaga siya i-take ng light kahit na alam naming pareho ni Kuya Betong na ang laki-laki ng project na ito. Parang sinasabi nga namin, ‘Totoo ba ‘to?’” sabay tawa ni Sheena.
Dagdag naman ni Betong: “Lahat naman ay nabibigyan ng chance, siguro this time, kami ni Sheena. Pero kung titingnan mo din ‘yung ibang comedians natin sa GMA, ang dami naman din nilang shows. Siguro nagkataon lang na ito ‘yung show na na-assign sa amin ni Sheena.”
Kapwa may kaba ang dalawa dahil sa tiwala ng GMA na binigay sa kanila na maging host ng Laff, Camera, Action.
“Sa akin feeling ko pag walang kaba, mas lalong nakakatakot kasi parang sobrang kampante.
“Hindi naman ‘yung kabadung-kabado, pero kung may kaba ka, merong space na pagbutihin mo ‘yung craft mo, pagbutihin mo ‘yung ginagawa mo,” diin ni Betong.
Sey naman ni Sheena: “Ang hinihingi lang po nila sa akin, bilang Sheena Halili dahil nga po ito ay hindi scripted.
“Pinili po nila kami based lang po talaga sa personality namin.
“Feeling ko alam naman po talaga nila kung hanggang saan po ako bilang komedyante, bilang artista. Happy din po ako dahil bagong opportunity, bagong door na nag-open sa akin.”
Mark mabilis gumaling dahil kay Winwyn
Nasangkot pala sa isang car accident kamakailan si Mark Herras.
Sa naging interview ni Mark lately, maayos na raw ang kalagayan niya at handa na siyang magtrabaho.
“I’m super okey wala naman ako sobrang injury, mayroon akong mga sugat na konti lang. Pero ang mahalaga okey na ako and nakakapagtrabaho na ako ulit,” diin pa ng aktor.
Malaking tulong daw ang pag-aalaga sa kanya ng nababalitang girlfriend niya na si Winwyn Marquez.
Very open na nga ang dalawa sa kanilang nararamdaman sa isa’t isa.
“’Yung mga pino-post ko and siya, at least nakikita ng tao and I’m very proud to say na mahal ko siya. So, we’re gonna keep it that way,” ayon pa kay Mark.
Balik sa paggawa ng teleserye si Mark pagkatapos ng huli niyang Little Nanay. Kasama niya sa bagong teleserye na Womb For Hire sina Katrina Halili at Yasmien Kurdi.