^

Pang Movies

Sue nagpapasalamat pag sinasabihang mukhang daga

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Ang sipag at magiliw sumagot ni Sue Ramirez sa kanyang followers, fans man ito o bashers. 

Kahit sabihan siya minsan na mukhang daga, nagpapasalamat pa ito na parang sanay na sa mga nega comment. At kung dati ay santambak ang nangba-bash sa kanya - noong naging parte siya ng Pangako sa ‘Yo nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil nagseselos ang fans ng magka-loveteam, ngayon na may sarili na itong ka-loveteam sa bakuran ng ABS-CBN.

Ito ay si Ronnie Alonte at mas marami na ang nagtatanggol sa kanyang fans. Umaasa ang fans ng bagong magka-loveteam na maging totoo rin ang kanilang tambalan.  Pero hindi pa pinapayagan ng kanyang mommy si Sue na paligaw dahil bukod sa bata pa ay bunso ito sa kanilang magkakapatid.  Matagal nang tinutukso si Sue kay Ronnie, na nagkataon naman na nagklik ang samahan nila dahil chill lang at enjoy pag magkasama.

Pero hindi itinatanggi ni Sue na crush niya si Zanjo Marudo na nakasama na rin niya sa isang trabaho.

Flattered naman siyang crush siya ni Alex Medina, pero nauwi ang aktor sa “kuya zone” dahil tinawag nito ang magaling na aktor na “kuya” sa Gandang Gabi Vice nang mag-guest ito sa show.

Bata pa lang ay passion na ni Sue ang kumanta.

Kamakailan lang ay naging trending ang ginawa nilang cover song ng kaibigang si Kristel Fulgar.

Pero ngayong nasasabak sa aktingan si Sue, mas gusto na nito ang umarte at pangarap niyang makagawa ng action movie.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with