Vic at Pauleen ninanamnam na ang pagiging mag-asawa

Hindi binigo ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang kaibigang si Pauleen Luna dahil dumalo siya sa naganap na reception ng wedding nila ni Vic Sotto sa The Filinvest Tent last Saturday.

Natural, marami ang nagpakuha ng picture kasama si Queen P, huh!

Isa nga si Mother Lily Monteverde ang nagkaroon ng picture kasama si Miss Universe. Gaya ng suot na gown ni Queen P sa pageant, kulay blue rin ang suot ni Mother, huh!

“Ang ganda-ganda ni Pia at ang bait-bait!” tsika sa amin ni Mother.

Eh, isa ring Regal Baby si Pauleen na nakagawa ng ilang movies sa Regal. Kinulit ni Manay Lolit Solis si Mother na dumalo sa kasal. Kaya humango siya sa reception.

Sina Mother Lily at Orly Ilacad ng OctoArts Films ang tanging mo­vie producers na invited sa kasal. Hindi man siya ninang, natutuwa siya’t isa siya sa invited sa exclusive wedding nina Bossing at Poleng.

Dumalo rin ang Eat Bulaga Dabarkads. Sumaglit din si Alden Ri­chards sa church dahil meron siyang taping nu’ng araw na ‘yon. Magkatabi sila ng ka-loveteam niyang si Maine Mendoza.

Ang isa sa highlights ng reception ang wedding dance nina Vic at Pauleen at isa na roon ang pagsayaw nila sa kantang Dessert na nakalabas sa social media.

Ngayong araw na ito, nanamnamin muna nila nang ilang linggo ang pagiging Mr. and Mrs. Vic Sotto, huh!

Komedyanang si Boobsie, gustong magpalit ng pangalan

Wala pang nakakarating na impormasyon sa komedyanang si Boobsie Wonderland na gusto raw baguhin ng GMA Network ang kanyang unang pangalan. Pinaiksing boobs o suso kasi ang name niya na ibininyag sa kanya nang sumabak na siya sa Klownz at Zirkoh Comedy Bar.

Open naman si Boobsie sa idea na ‘yon nang matanong siya sa presscon ng February 13 Valentine concert na Panahon Ng May Tama #Comic-Kilig na produced ni Joed Serrano.

Tugon niya, “Pero sana ‘yung mas malapit din sa pangalan ko gaya ng Utong, Dodo at iba pa! Ha! Ha! Ha!”

Bukod kasi sa pagiging solo artist, natuklasan ang tandem nila ni Gladys “Chuchay” Guevarra nang pagsamahin sila sa Sunday PinaSaya portion na Judge MD. Since, then, naging rater ang segment nila na pinatataob ang malalaking performers sa katapat na programa, huh!

Ayon naman sa director ng show na si Andrew de Real, ibang-ibang Gladys at Boobsie ang makikita sa Valentine comic concert dahil lalabas na matanda sina Chuchay at Boobsie na batang makukulit ang tatak bilang komedyana.

Pero pagdating sa plano sa kanyang personal life, tikom ang bibig ni Boob­sie dahil sa fans niyang mga bata kaya ayaw niyang isapubliko ang gagawing pagpapakasal sa partner niyang isang tomboy.

May yakapan at halikan sa awards night Leonardo DiCaprio at Kate Winslet hindi pa burado ang ‘relasyon’ sa Titanic

Nakadalawang Best Actor award na si Leonardo DiCaprio na itinanghal na Best Actor sa katatapos na Screen Actors Guild Award dahil sa performance niya sa The Revenant. Una niyang napanalunan ang nasabing award sa kaparehong movie sa Golden Globe Awards.

Sa pagtanggap ni Leonardo ng SAG Award, niyakap at hinalikan siya ng kapareha niya sa The Titanic na si Kate Winslet bago umakyat sa stage.

Inaabangan ang isa pang malaking event ng award-giving body na Oscar Awards. Nominado rin si Leonardo bilang Best Actor. Ilang beses nang nominees sa Oscar ang Hollywood actor. Lagi siyang bridesman but never a groom. Kapag nanalo, kumpleto na ang grand slam win bilang Best Actor  ni Leonardo, huh!

Show comments