Unprintable raw, hiwalayan nina Luis at Angel, sobrang kontrobersyal!
Maraming nagtatanong sa amin kung ano raw ba talaga ang dahilan ng muling split-up nina Luis Manzano at Angel Locsin?
Wala naman kaming maisagot sa nagtatanong sa amin dahil wala kaming alam, pero may isang nag-text sa amin na isa raw malapit sa dalawa ang nagsabing hindi pwedeng isulat ang tunay na dahilan dahil “super controversial” ito at parehong maaapektuhan sina Luis at Angel.
Ano nga ba ang tunay na dahilan?
Wala ring coverage Kasal nina Vic at Pauleen, puro Dabarkads ang kasali!
Greetings of best wishes and congratulations sa mga ikakasal mamayang gabi, January 30, sina Marvic Castelo Sotto (61) at Pauleen Marie Javier Luna (27), sa parish church sa Ayala Alabang.
May special presentation ang Eat Bulaga ngayong Saturday, para sa mga ikakasal. Tiyak na may iba pa tayong malalaman tungkol sa Vic-Pauleen Wedding Special.
Inilabas na nina Vic at Pauleen ang bubuo ng entourage ng kasal na pawang mga Dabarkads ng EB at kani-kanilang pamilya. Tatlong sets lamang ang mga principal sponsors, sina Senator Tito Sotto at Mrs. Carmencita Garcia, Mr. Tony Tuviera at Mrs. Madeleine Tuviera at si Joey de Leon at Dr. Salvacion Gatchalian.
Matron of Honor si Ruby Rodriguez at isa sa bridesmaids ang best friend ni Pauleen na si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach. Best man ni Vic ang anak na si Vico, groomsmen naman sina Jose, Wally at Paolo, at si Anjo Yllana.
Offerors sina Alden Richards at Maine Mendoza, Candle sponsors sina Paulina Sotto at Miguel Mario Luna. Veil sponsors sina Danica Sotto at Marc Pingris. Cord sponsors sina Oyo Sotto at Kristine Hermosa. Flower girls sina Ryzza Mae Dizon at mga apo ni Vic kay Danica. Ang wedding gown ni Pauleen ay ginawa ni Francis Libiran at ang motif nila ay baby pink at taupe (shades of mocha and gray).
May mga nagtatanong kung may live coverage daw ang wedding, siyempre ay wala dahil wala ring TV coverage, maliban sa TAPE, Inc. at magbibigay na lamang sila ng videos sa mga show ng GMA 7. At siguradong mapapanood din ang kabuuan ng wedding ceremony and reception sa mga susunod na araw sa Eat Bulaga.
Maine first time tumapak sa GMA
Unang pumirma pala ang TAPE, Inc. sa pamamahala ni Mr. Tony Tuviera sa GMA Network noong 1995 at simula noon, lahat ng mga shows nila ay blocktimer sa network.
Ang Eat Bulaga ay unang napanood noong 1979 pero sa ibang channel muna ipinalabas. Fifteen years na silang nasa GMA at since malapit na silang mag-celebrate ng 37th anniversary, muli nga silang pumirma ng panibagong agreement sa GMA.
Naging masaya nga ang contract signing dahil dumating lahat ang mga Dabarkads kasama sina Mr. T at ang Senior Vice President and Chief Operating Officer na si Ms. Malou Choa-Fagar with the GMA Network executives headed by Chairman and Chief Executive Officer Atty. Felipe L. Gozon.
First time palang na-meet ni Atty. Gozon si Maine Mendoza na first time rin nakarating ng GMA Network. Ayon kay Atty. Gozon, “there will be more success, more ratings, more friendship and more fellowship.”
- Latest