Kesa ’pag kasal na Angel at Luis tama ang ginawang paghihiwalay
Pinag-uusapan nila ngayon ang sinasabi nilang “split” daw nina Luis Manzano at Angel Locsin. May nagsasabi namang “hindi split pero on the rocks lang”. Ano man ang totoo sa mga tsismis, iisa lang ang ibig sabihin noon. Hindi maganda ang sitwasyon nila.
Sinasabi naman naming tsismis lang iyon dahil usapan ngang nagmumula sa ibang tao. Hindi naman kino-confirm ng sino man kina Angel o Luis ang mga tsismis. Maaari namang nagkakagalit lang sila, na natural lang naman nangyayari sa kahit na sinong magkarelasyon.
Maaaring nagkakatampuhan lang o may hindi napagkakasunduan, pero hindi pa talagang split.
Pero kung nag-split na nga silang dalawa, ang palagay namin mas mabuti pa rin iyon. Kung natatandaan ninyo, naging mag-on na sila noong araw, tapos nag-split na rin naman. After some time nagkasundo sila ulit at naging sila na naman. At kung totoong naghiwalay na naman sila, it just shows na may mga bagay talagang hindi nila mapagkakasunduan. Whatever it is, personal na iyon. Wala na tayong pakialam kung ano ang reasons nila. Pero kung lumalabas nga na may mga bagay na hindi nila napagkakasunduan, at sa tingin nila ay hindi maaaring magkaroon ng compromise, mas mabuti na iyan kaysa umabot pa sila doon sa sitwasyong magpapakasal sila tapos hindi sila magkakasundo at maghihiwalay din.
Kasi kung aabot sa ganoong sitwasyon, may iba pang taong maaapektuhan, at iyon ay ang kanilang mga magiging anak. Isa pa, mas ok naman iyong mag-syota na nag-split kaysa sa mag-asawang naghiwalay, no matter how you look at it.
Parehong dapat maging maingat sa kanilang relasyon sina Angel at Luis. Aminin natin na pareho naman silang nagmula sa isang broken family. Tama lamang naman siguro na isipin nilang lagi na ang kanilang nadamang kakulangan kahit na papaano noong panahong bata pa sila na hindi na maranasan ng kanilang magiging mga anak kung sakali.
Julia nakalibre na sa tsismis
Maganda ang ginawa ni Julia Clarete na liwanagin ang mga tsismis na nag-uugnay sa kanya sa naging split ni Ciara Sotto at asawa nito. Masama nga kasi ang timing, dahil nang pumutok ang kuwento ay siya namang biglang pag-alis ni Julia sa Eat Bulaga nang wala man lang paalam. Ang masakit pa, walang kumibo sa pagkawala niya. Walang ibang kuwento kaya siya ang napagbintangan.
Iyon pala, personal nga rin kasi ang dahilan. Matagal na sila ng kanyang boyfriend at na-realize nila na hindi maaaring mabuo ang kanilang relasyon habang nagtatrabaho si Julia. Iyon ang dahilan kung bakit naisipan nilang ituloy na ang kanilang balak, at manirahan na sa abroad para matahimik ang kanilang buhay. Nag-decide silang mag-settle sa Kuala Lumpur, Malaysiya, kung saan hindi siya isang celebrity at makapamumuhay sila nang tahimik.
Libre na ngayon sa tsismis si Julia.
Dating aktor suma-sideline para mabuhay ang mga anak
Kawawa ang isang dating male star. Nahiwalay na siya sa asawa niya na ang tsismis ay niloko siya. May girlfriend siya ngayon na sumusuporta sa kanya dahil nagtatrabaho iyon bilang isang entertainer sa abroad. Pero hirap siya dahil kailangan niyang buhayin ang mga anak niya, at natural hindi naman siya makahingi sa girlfriend niya ng kailangan niyang ibigay sa kanyang mga anak. Napipilitan siyang gumawa ng “sideline”, pero kahit na may hitsura pa naman siya, isang katotohanan na matanda na siya.
- Latest