Showtime nakabangon na!

MANILA, Philippines – Dapat na nga sigurong magbago ng gimik ang kalyeserye nina Alden Richards at Maine Mendoza ng Eat Bulaga.

Wala na kasing bago pulos kiligan na lang nang kiligan at nakakapagod na ring panoorin.

Katunayan, dapat na silang maalarma dahil unti-unti nang umuusad ang It’s Showtime  at baka mailaglag na sila nito. Malaking tulong din ang Tawag ng Tanghalan segment ng Showtime.

Sa EB naman, siguro ay dapat na nilang ibalik ang da­ting Sugod Bahay segment nila na nag-iinterbyu talaga sila sa sariling bahay ng mga contestant.

Ngayon kasi parang scripted na, nakakamangha namang nasa tabi-tabi na lang ang mga nabubunot na na­nanalo sa Sugod Bahay at hindi na kinakaila­ngan pang umalis pa sa kanilang kinalalagyan nina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros.

Anyway, saan kaya nagkamali ang kalyeserye at bakit kaya nabawi sa kanila ang trono ng pagiging number one?

Sayang naman, nasa kamay na nila, nawala pa.                                          

Show comments