Pag-iibigan nina Gabby at Carla, hahadlangan

MANILA, Philippines - Dumating si Christian Bautista at kumanta para kay Jaime (Gabby Concepcion) at Andrea (Carla Abellana) habang sila ay sumasayaw. Windang si Patricia nang nalamang sina Andrea at Jaime na pero sinabi niya kay Nikki na may isang taong alam na alam niyang hindi matutuwa sa relasyong Andrea at Jaime—we know si Feliza ang tinutukoy niya. Pasuwabe pang pinaalala ni Patricia (Bettina Carlos) kay Jaime nang nasa office na ito na si Feliza (Celia Rodriquez) ang hahadlang sa pag-ibig nito kay Andrea, at sinadya pang iharap ang framed picture ni Feliza on the table, kay Jaime. Natigilan si Jaime.

First date nina Andrea and Jaime sa garden ng bahay nina Jaime. Impressed ang mga yaya kay Andrea. Ang ganda-ganda kasi nito at nababaitan sila. Pero naalala nila kung sino si Andrea, ang naakusahang kabit noon ni Jaime. Medyo na-rattle ang dalawa. Tuloy ang romantic date nina Andrea and Jaime, maghahalikan na... nang biglang narinig ni Jaime ang boses ni Candy, “We’re home, Daddy!” Taranta ang dalawa, dumating na ang mga anak at nanay ni Jaime?

Walang Andrea na nadatnan sina Feliza and kids. Sabi ni Jaime, sina Dennis lang daw ang kasama niya, kaya sa garden ang kainan para maiba lang. Duda pa rin si Feliza, pati si Cheska (Joyce Ching). Kaya lang wala namang ebidensya na may kasamang babae si Jaime. Nakadapa lang pala si Andrea nagtatago,  and... naiwan pa niya ang clutch bag sa  garden kaya wala siyang cell phone at pamasahe! Nagpasundo na lang siya kina Rebecca (Iya Villana) and Alex (Vaness del Moral). Hindi pa makabayad ng sampung piso sa phone sa tindahan, akala pa ng tindera ay naholdap siya.

 

Show comments