Sa Hotel Sofitel magsisimula ngayong alas dos ng hapon ang Grand Homecoming Parade ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. Dusa ang gustong dumaan sa Ayala Avenue Northbound mula Buendia to EDSA dahil isasara ito simula alas tres y medya ng hapon, huh!
Mula Sofitel kakaliwa ito ng Atang dela Rama St., kakanan sa Vicente Sotto St., kakaliwa ng F. Ma. Guerrero, kakanan sa Bukaneng St., kakaliwa ng Roxas Blvd., kakanan sa Padre Burgos patungong Taft Avenue.
Then, kakanan sa Finance Road, kakanan sa Taft Avenue, kakanan sa Quirino Avenue, kakanan sa Roxas Blvd., kakaliwa ng Sen. Gil Puyat Avenue, kakaliwa ng Ayala Avenue, U-turn sa Ayala-Makati Fire Station, going to Ayala Avenue to Rustan’s.
Payo ng MMDA, expect heavy traffic mamaya!
Video scandal ni Jeric nakakabagot!
Babu na sa mga link sa social media ang video scandal nina Joross Gamboa at Jeric Gonzales. Labag kasi sa batas ang mahuling nagda-download at nagsi-share nito sa Internet.
Nasilip namin ‘yung unang bahagi ng scandal ni Jeric. Eh, mahigit 20 minutes pala ‘yon, huh! Nabagot kaming panoorin ang tapusin ‘yon.
Sa mga nasagap namin, may ipinagmamalaki naman daw si Jeric. Hindi nga lang niya puwedeng ipagmalaki ang sarili niya dahil sa sex video niyang ‘yon, huh!
Pangit kasi ang rason kung bakit bigla siyang sumikat, ‘no?
Busy sa career Valeen walang paki sa pamilyang ‘nasira’!
Umingay ang pangalan ni Valeen Montenegro nang isabit siya sa hiwalayang Ciara Sotto at Jojo Oconer. Eh, pawang mga taga-depensa lang ng aktres ang sumasagot na wala siyang kinalaman sa break up ng mag-asawa kaya waiting pa rin ang tao sa personal niyang sagot sa isyu.
‘Yun nga lang, parang dedma na si Valeen sa isyu. Heto’t pinagkatiwalaan siya ng GMA Network na isama sa cast ng Juan Tamad ni Sef Cadayona, huh!
Bukod pa ito sa regular show niyang Sunday PinaSaya.
Sorry na lang, busy na si Valeen!
Lea apektado sa delubyo sa New York
Snowgeddon ang tawag ni Lea Salonga sa nangyayari ngayon sa ilang lugar sa Amerika. Kinumusta kasi niya sa kanyang Twitter ang ilan sa actors/staff na naapektuhan ng blizzard.
Natabunan nga ng snow ang Central Park sa New York. Pinayuhan din ang mga tao na huwag nang lumabas ng bahay dahil sa snowstorm. Ito raw ang pinakamalaking delubyo na tumama sa NYC!
Eh nakansela ang mga show sa Broadway dahil sa snowstorm.
Buti na lang, walang snow sa atin kaya tweet nga ni Joey de Leon, sa Broadway lang natin hindi nakakansela ang show!