Diet at Claudine soul mate raw, nagpaplanong maging sila na lang?!

Seven years na pala nang huling magtambal sina Claudine Barretto at Diether Ocampo. Year 2008 pa nila ginawa ang Star Cinema movie na Iisa Pa Lamang kasama sina Angelica Panganiban at Gabby Concepcion. At sa loob ng pitong taon, ngayon lamang muling magtatambal sina Clau at Diet sa remake ng pelikulang Bakit Manipis Ang Ulap? ni Danny Zialcita for Viva Films, na gagawin nang isang teledrama ng Viva for TV5.

Sa presscon cum launch ng teledrama, kung ano ang naramdaman niya nang malaman niyang muli silang magtatambal ni Claudine, hindi ba siya nag-isip bago tanggapin ang offer ng Viva-TV5 sa balitang unprofessional si Clau sa trabaho?

“I’m very excited nang malaman kong siya ang makakatrabaho ko,” sabi ni Diet. “Matagal man kaming hindi nagkakausap ni Claudine, naroon pa rin ang friendship namin. Ngayong magkatrabaho na muli kami, napatunayan kong hindi totoo ang sinasabi nilang unprofessional siya, dahil tuluy-tuloy ang trabaho namin.”

So totoo iyong may usapan silang after 35 years na wala pa rin silang asawa, sila na lamang for companionship?

“Wala namang problema dahil mutual understanding namin iyon, we have high respect for each other. Matagal na kaming hindi nagkikita o nagkakausap, marami na rin kaming pinagdaanan, pero kapag muli kaming nagkita, hindi pa rin naapektuhan ang work namin, parang lagi pa rin kaming magkasama. Tama ang sabi ni Claudine, mag-soulmate kami.”

Ibinuko naman ni Claudine na kabi-break lamang ni Diether sa long time girlfriend nito na si Michelle Cojuangco Barrera. Magkukuwento sana si Claudine pero pinigilan na siya ni Diether.

Mapapanood na simula sa February 15 ang Bakit Manipis Ang Ulap? na idinidirek ni Joel Lamangan at nagtatampok din kina Cesar Montano, Meg Imperial, Dindi Gallardo, Samantha Lopez, Bernard Palanca, at Bret Jackson sa TV5.

AlDub Nation ayaw pagamit sa eleksyon?!

Aba, nag-level up na ang AlDub Nation, fans nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub ng kalyeserye ng Eat Bulaga. Humi­hingi sila ng feedback sa lahat ng AlDub fans dahil kinukuha sila ng Rappler na makipag-partner sa kanila para makagawa ng awareness and participation ang mas maraming tao sa mga malalaki at seryosong issue na nagaganap sa Pilipinas, isa na ang coming election. 

Pero sa tweets na nabasa naming sagot nila, mas marami ang ayaw dahil ayaw nilang ma-drag ang names ng kanilang mga idolo lalo na sa darating na election. Kaya naman daw nilang gawin ang gusto ng Rappler in their own way, like may ginagawa rin silang advocacies para sa kanilang mga idolo at pwede rin nilang i-tweet kung may nakikita silang mali.

Movie ni ALDEN kinakiligan kahit nakakatakot

Nag-trending sa social media last Monday evening sa Kapuso Primetime Cinema ang feature movie na The Road na nagtampok kay Alden Richards, at ngayon lamang napanood ng maraming AlDub fans. 

Comment ng ilan, kahit daw takot sila sa horror movies, keri lang nila dahil kilig pa rin sila sa guwapu-guwapong si Alden na 19 years old pa lamang noong 2011 nang ipinalabas ang movie ng GMA Films directed by Yam Laranas.

Show comments