^

Pang Movies

Paging James Franco at P-Noy Pia naghihintay ng mag-aalok ng date!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi inaalis ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach ang posibilidad na pasukin niya ang mundo ng pulitika balang-araw.

Sa naging interview ni Pia sa HOT 97 radio sa New York noong nakaraang January 13, tinanong siya kung may plano ba siyang pasukin ang politics sa Pilipinas?

Sagot ni Pia: “I wouldn’t mind. Maybe when I’m a bit older, in a few years’ time, get some more experience.

“I can see myself doing public service in the Philippines.

“I just have to do some more homework, and get right qualifications so I can do the job properly.”

Inusisa rin ng DJ tungkol sa pag-tweet sa kanya ng Hollywood actor na si James Franco. Inamin sa isang interview ni Pia na isa sa Hollywood crush niya ay si James Franco. Bilang pasasalamat ng aktor, gumawa ito ng collage kung saan kasama niya si Pia at pinost niya ito sa kanyang Instagram account.

Tanong ng DJ ay kung niyaya ba siya ni James na mag-date sila?

“No,” mabilis na sagot ni Pia.

“That was on Instagram. It’s nice. It’s fun.

“I’m quite surprised myself. I’m thinking, ‘Shouldn’t it be easier for me now to meet somebody and go out on a date?’ But then there’s nobody.

“I don’t know what am I doing wrong.

“Nobody’s asking me out on dates.

“I have people sending me DMs to say that I’m their idol or maybe some bashers here and there.

“I haven’t received anything from like a guy asking me out,” pagtapos pa ni Pia Wurtzbach.

Asawa ni Celine Dion patay sa throat cancer

Nagluluksa ngayon ang singer na si Celine Dion dahil sa pagpanaw ng kanyang husband and discoverer na si René Angélil.

Sa isang formal statement na ginawa ng pamilya ni Celine, heto ang nakalagay:

“Rene Angelil, 73, passed away this morning at his home in Las Vegas after a long and courageous battle against cancer.

“The family requests that their privacy be respected at the moment.”

Naging manager and mentor ni Celine ang kanyang mister at meron silang tatlong anak: René-Charles, 14, and 5-year-old twins Nelson and Eddy.

May anak din si Rene sa kanyang dating asawa na sina Anne-Marie, Patrick and Jean-Pierre.

Throat cancer ang kinamatay ng 73-year old business tycoon at yumao ito sa kanilang tahanan.

Dating miyembro ng isang Canadian pop rock group si Angelil sa Montreal, Canada na may pangalang The Baronets during the ‘60s.

Na-discover niya si Celine in 1980 sa edad na 12-years old at inalagaan niya ito hanggang sa ma-produce niya ang unang album nito titled La Voix Du Bon Dieu.

Kinasal sila ni Celine in 1994.

Leonardo DiCaprio mukhang makakasungkit na ng Oscars

Mukhang may pag-asa nang masungkit na ni Leonardo DiCaprio ang inaasam niyang Oscars best actor trophy.

Anim na beses nang na-nominate si Leo sa Oscars pero parati na lang siyang natatalo.

Ngayon ay mukhang malakas na ang tsansa niya. Ang pelikula niyang The Revenant ay nakakuha ng pinakamaraming nominations sa 2016 Oscars.

Nakakuha ang The Revenant ng 12 nominations at kasama rito ang best picture, best director (Alejandro Inarritu), best actor (Leonardo DiCaprio), best supporting actor (Tom Hardy) at ilang technical nominations.

Kakapanalo lang ng The Revenant sa Golden Globe Awards at nakuha nito ang best picture, best actor at best director awards.

Makakalaban ng The Revenant ang pito pang pelikula for best picture. Ito ay ang Mad Max: Fury Road, Bridge of Spies, Spotlight, The Big Short, The Martian, Brooklyn at Room.

Heto pa ang mga nominees:

Best Actor: Bryan Cranston (Trumbo), Matt Damon (The Martian), Leonardo DiCaprio (The Revenant), Michael Fassbender (Steve Jobs), Eddie Redmayne (The Danish Girl)

Best Actress: Cate Blanchett (Carol), Brie Larson (Room), Jennifer Lawrence (Joy), Charlotte Rampling (45 Years), Saoirse Ronan (Brooklyn).

Best Supporting Actor: Christian Bale (The Big Short), Tom Hardy (The Revenant), Mark Ruffalo (Spotlight), Mark Rylance (Bridge of Spies), Sylvester Stallone (Creed)

Best Supporting Actress: Jennifer Jason Leigh (The Hateful Eight), Rooney Mara (Carol), Rachel McAdams (Spotlight), Alicia Vikander (The Danish Girl), Kate Winslet (Steve Jobs).

Best Director: Lenny Abrahamson (Room), Alejandro Inarritu (The Revenant), Adam McKay (The Big Short), Tom McCarthy (Spotlight), George Miller (Mad Max: Fury Road).

 

 

vuukle comment

ACIRC

ALEJANDRO INARRITU

ANG

ATILDE

BEST

BIG SHORT

BRIDGE OF SPIES

CELINE

CELINE DION

DANISH GIRL

FURY ROAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with