Pia todo-promote ng mga isla ng ‘Pinas sa New York

Nag-guest si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa radio show ni Sway Calloway na Sway In The Morning sa New York City.

Pinagmalaki nga ni Pia ang mga sikat na tourist spots sa ating bansa at gusto nga niyang imbitahan ang Miss Universe host na si Steve Harvey para ipasyal niya sa Pilipinas.

Kabilang sa mga pinagmalaki ni Pia ay ang Boracay at Palawan kung saan naroon ang mga magagandang beaches ng bansa.

“There’s 7107 islands there. You will never run out of places to go.

“People are hospitable. Almost everybody can speak English. It’s easy to go around,” pagmamalaki ni Pia.

Chika pa ni Pia na sineseryoso ng mga Pinoy ang mga beauty pageants, local man o international.

“Pageants are very big in the Philippines. We really take it seriously.

“I always say that there are three big Bs in the Philippines: Basketball, Boxing, and Beauty Pa­geants.

“It’s been 42 years since Philippines won in the Miss Universe, so you can imagine the anticipation building up for the girls to win.”

Show comments