Baliktanaw 2015 sa Reporter’s Notebook

MANILA, Philippines – Bago matapos ang 2015, babalikan ng Reporter’s Notebook ang mga pinakamalalaking isyu, kontrobersya, at trahedyang binantayan at siniyasat nito ngayong taon.

Iba’t-ibang trahedya nga ang sumubok sa katatagan ng ating mga kababayan sa loob at labas ng bansa. Nariyan ang sunog sa Kentex, ang paglubog ng M/V Kim Nirvana, at ang lindol sa Nepal. Ang kalunus-lunos na epekto ng ilan sa mga sakunang ito ay personal na nasaksihan nina Jiggy Manicad at Maki Pulido.

Ngayong taon ay tinutukan rin ng Reporter’s Notebook ang nangyayaring kaguluhan at karahasan sa Mindanao. Kasama na rito ang nangyaring pagpatay sa 44 miyembro ng Special Action Force ng PNP sa Mamasapano, Maguindanao at ang karumal-dumal na pagpatay sa ilang katutubong lumad.

Huwag palampasin ang “Baliktanaw 2015, The Reporter’s Notebook Yearend Special” sa GMA 7 ngayong Disyembre 31, 5:15 ng hapon, pagkatapos ng Destiny Rose.

Show comments