Carla at Tom, mainit ang Pasko!

Ngayong hindi na nagkaila sina Carla Abellana at Tom Rodriguez na sila na talaga, first time na they will celebrate Christmas together.

Pero kinabukasan, December 26, aalis si Tom for Osaka, Japan dahil doon naka-base ang parents at mga kapatid niya, doon na siya magpapalipas ng New Year at January 3 na siya babalik ng Pilipinas para tapusin ang taping ng MariMar na malapit na ring magtapos sa GMA 7.

Mukhang hindi na ii-extend ang drama series na siyang pinakamataas ang rating sa primetime block ng network na sinusundan ng Little Nanay at Because of You ni Carla.

P-Noy pinayuhan sa panliligaw kay Pia ni Cong. Romualdez

Tamang-tamang sariwa pa ang panalo ni Pia Wurtzbach as our new Miss Universe after 42 years na inasam-asam ng Pilipinas ang korona, nang i-meet ni Leyte Representative Martin Romualdez ang mga entertainment press for a Christmas lunch.

At na-connect sa kanya ang chika na niligawan ni PNoy noon si Pia pero ang sister nitong si Kris Aquino ang nagsabing basted daw ang kapatid pero mukhang tuloy pa rin ang panliligaw nito at nagpadala pa ng flowers kay Pia bago umalis papuntang Las Vegas.

Bb. Pilipinas-International 1996 ang wife ni Cong. Martin na si Yedda Mendoza at advice niya kay PNoy, huwag daw sumuko sa panliligaw tulad niya na hindI sumuko kahit sinundan niya sa Cebu si Yedda at hindi natakot humarap sa mga matitipunong kapatid na lalaki nito.   Nagbunga naman ang pagsisikap niya dahil ngayon ay wife na niya si Yedda na dapat ay kasama niya, pero hindi raw maiwanan ang three-month old baby nila, ang love of his life at inspiration.

May nagtanong kay Rep. Martin kung may nanligaw daw na beki sa kanya noong bata pa siya, pero ang ganda ng sagot niya na sinusuportahan niya ang mga LGBT at ang mga cause nila.

Pagkatapos noon ay nagtanong na si Rep. Martin kung ano ang pangunahing problema sa industriya ng pelikulang Pilipino, gaya ng hindi pa naso-solve na prohibitive tax at film piracy.

Sana ay si Rep. Martin na ang makatulong sa ating industriya pagkatapos ng maraming pangako ng mga pulitiko na hindi natupad.

Serye nina Miguel at Bianca ipapalabas na

Tiyak na ikatutuwa na ng mga fans nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali dahil ipalalabas na rin ang bagong soap ng tween love team sa afternoon prime, ang Wish I May.

Marami ring mga hinahanap na Kapuso stars na makakasama nila sa serye tulad nina Camille Prats, Mark Anthony Fernandez, Neil Ryan Sese, Rochelle Pangilinan, Alessandra de Rossi at marami pang iba, sa direksyon ni Neal del Rosario.

Dapat ay matagal nang naipalabas ang Wish I May, pero ilang beses na na-extend ang top-rating afternoon prime ng GMA 7 na The Half Sisters na nagtatampok kina Barbie Forteza, Thea Tolentino, Andre Paras at Ruru Madrid, na dapat ay nagtapos na noong October, pero nanatili ang top rating niya kaya na-extend pa nang na-extend.

Si Ms. Gina Alajar na nga ang pumalit kay Direk Mark Reyes dahil nagsimula na itong magdirek naman ng primetime series na Because of You.

Show comments