^

Pang Movies

Star Wars pinayagang ipalabas kasabay ang MMFF?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nagpipilit kaming ma-excite diyan sa nalalapit na Metro Manila Film Festival, dahil alam na­ming may magaganda rin namang pelikulang kasali this year, pero napupuna naming mukha ngang hindi pa masyadong napag-uusapan ng mga tao iyong festival mismo.

Maririnig mo na may mga pelikula silang gusto, pero iyong event mismo, ang festival, parang wala lang.

Nakakatakot din naman iyan dahil pinayagan nga nila ang isang malaking pelikulang ingles na manatiling palabas kahit na festival, tiyak na hahakot din iyon ng maraming audience lalo na nga’t nitong mga nakaraang araw ay walang tigil ang ulan, at alam na ng mga tao na magpapatuloy ang palabas noon kahit na sa panahon ng festival.

Ang may restrictions lang naman sa mga pelikula ay ang Metro Manila, ibig sabihin sa mga probinsiya ay posibleng majority pa rin ng mga sinehan ang maglalabas niyang Star Wars, at mas pinag-uusapan iyon.

Mabuti na nga lang at may ilang pelikulang Pilipino na mukhang susugurin naman ng fans, kagaya nga niyang mga horror movies na Buy Now Die Later at saka Haunted Mansion na sinasabi sa aming napakaganda raw ng optical. Sure hit itong Beauty and Bestie dahil sa JaDine, o iyong Walang Forever dahil ang Pinoy ay mahilig naman sa mga ganyang love stories.

Hinangaan na sa Toronto International Film Festival iyong Honor Thy Father. Iyong iba namang mga pelikula, karaniwan na lang.

Malamang niyan may magmamakaawa na namang artista na panoorin ang kanilang pelikula. May mga pelikula kasing walang katunug-tunog talaga. Ayaw lang naming gumawa ng forecast ng mga magiging bottom holders sa festival, na siguro sa mga susunod na araw ay gagawin din namin.

Balita naming medyo malungkot na ang ilang sinehan dahil alam na nila kung anong pelikula ang ipapalabas sa kanila, eh mayroon naman talagang mga nakatakdang malugi.

Ganoon naman lagi kung festival eh, may kumikita nang napakalaki. Mayroon namang mapalad nang maupuan ang sampung silya sa loob.

Hindi pa rin gaanong nakaka-recover, Kuya Germs nabawasan ang pag-party

It makes us happy na mapanood namin sa telebisyon si Kuya Germs na masiglang-masiglang bumabati ng Merry Christmas sa kanyang show noong isang araw.

Iyon ang kanyang last show before Christmas at iyang Pasko ay napakalaking celebration para kay Kuya Germs.

Noong araw, si Kuya Germs ang pinakamaagang nagpapa-party para sa entertainment media.

Bukod doon, may party pa siya para sa mga tauhan ng kanyang show. Mahilig sa party talaga si Kuya Germs pero ngayon nga ay hindi na niya magawa iyon. Kailangan kasi by nine in the evening, umuwi na siya ng bahay para magpahinga.

Inaamin naman ni Kuya Germs na mahina pa ang katawan niya ngayon. Hindi pa siya nakaka-recover nang lubusan, pero palagay namin maibabalik niya iyong dati niyang health, kasi talagang hindi naman siya tumitigil sa therapy.

Medyo mabagal ang recovery, pero kung iisipin mo, okay na rin naman iyon dahil at least ngayon ay nakabalik na siya sa radio at telebisyon na siya niyang buhay talaga.

Sinasabi nga namin, na siguro kung may isa mang tao sa showbusiness who deserves a very merry Christmas, at kung sino iyong iniisip ng maraming tao sa showbusiness na sana ay maging maligaya ngayong Pasko, si Kuya Germs na iyon.

ANG

BEAUTY AND BESTIE

BUY NOW DIE LATER

FESTIVAL

GERMS

HAUNTED MANSION

HONOR THY FATHER

IYONG

KUYA GERMS

MGA

NAMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with