Megan mas pinili ang Miss World kesa Starstruck!

Megan

Magkasabay pala ang coronation night ng Miss World 2016 at ang grand finals ng Starstruck VI sa December 19 kaya isa lang ang puwedeng piliin ni Megan Young.

Si Megan ang co-host ni Dingdong Dantes sa reality-based artista search show ng GMA 7 at siya rin ang host ng Miss World 2016 sa Sanya, China.

Obvious na pinili ni Megan ang Miss World 2016 dahil nag-fly away siya sa China.

Kung ako man ang nasa lugar ni Megan, ang event ng Miss World ang pipiliin ko at siguradong naintindihan ng GMA 7 ang kanyang desisyon.

Sa pagkakaalam ko, matagal nang commitment ni Megan ang maging host ng Miss World na nagpabago sa takbo ng buhay niya.

Forever nang nakadikit sa pangalan ni Megan na siya ang kauna-unahang Pilipina na nag-win ng Miss World crown.

Mga Pinoy bitin word war nina Duterte at Mar, tinuldukan na

Dismayado ang mga Pinoy na nag-aabang sa duwelo nina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at former DILG Secretary Mar Roxas dahil tinuldukan nito kahapon ang kanilang word war.

At sa lagay pala eh umaasa ang mga kababayan natin na matutuloy ang sampalan at suntukan nina Papa Mar at Papa Rody.

Hindi ako naniniwala na aabot sa sampalan at umbagan ang exchange of heated words ng dalawang presidential candidates.

Abangan na lang natin ang pagtatagpo nina Papa Mar at Papa Rody. Siguradong kakamayan nila ang isa’t isa as if parang hindi sila nagpalitan ng maaanghang na salita.

Parang showbiz din ang pulitika. Walang permanent friends and enemies, only permanent interests.

Tama na ‘yung kahit sandaling-sandali, na-entertain ang mga Pilipino sa mga salita na pinakawalan ng dalawang nangangarap na maging pangulo ng Pilipinas.

Entry sa MMFF may midnight screening

How true na magkakaroon ng midnight screening ang isang pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival?

Hatinggabi ang screening ng pelikula dahil hindi raw pumayag ang theater management na i-pull out muna ang Star Wars Force Awakens para bigyang-daan ang MMFF entry na tinutukoy ko.

Kung matutuloy ang midnight screening, puwede nang tumuloy sa Simbang Gabi ang mga invited guest.

Boyet kasama sa mga pasabog ng TV5 next year

Inaasahan na magiging bongga sa 2016 ang TV5 dahil sa malala­king project na inihahanda ng Viva Entertainment.

Si Boss Vic del Rosario ang hinirang na Chief Strategist ng Kapatid Network dahil subok na subok na ang kanyang husay.

Maraming magagandang plano si Boss Vic para sa TV5.  Nakalatag na ang mga bagong teleserye ng Kapatid Network na mapapanood sa susunod na taon.

Sigurado na ang participation ni Christopher de Leon sa television remake ng Panday na pagbibidahan ni Richard Gutierrez.

Dumalo si Christopher sa story conference ng Panday na ginanap sa opisina ng Viva Films sa Ortigas Center.  Excited na si Boyet sa papel na ga­gampanan niya sa Panday na pinasikat ni Fernando Poe, Jr.

Aktor na umaasang gaganda pa ang career, bait-baitan ang drama

Wala nang ningning ang aktor na nag-feeling sikat at lumaki ang ulo.

Walang naniniwala na magbabago pa ang aktor na dumaan sa humbling experience.

Ang sey ng mga baklita, nagbabait-baitan lang ang aktor dahil down ngayon ang kanyang career pero tiyak na babalik ang dating ugali niya kapag nakatikim uli siya ng popularidad.

Makakatikim pa kaya siya eh kalat na kalat na sa showbiz ang pagkakaroon niya ng attitude problem.

Show comments