Annabelle inokray-okray si Ruffa sa ginawang libro
Maging si Annabelle Rama ay nagulat nang alukin siya ng ABS-CBN Publishing na isalibro ang kanyang mga life experiences lalo na nga pagdating sa pag-ibig dahil alam naman ng lahat sa showbiz kung paano niya ipinaglaban ang pagmamahal niya sa mister na si Eddie Gutierrez.
Kahapon ay ini-launch na ang kanyang libro na may pamagat na Day Hard! (Lakas ng Loob, Kapal ng Mukha) at say nga niya, hindi raw siya makapaniwala nang sabihin sa kanya ni Ernie Lopez of ABS-CBN Publishing na gagawa sila ng book.
“Ang dami-daming sikat na artista, ako pa ang napili kaya I’m so proud talaga. Itong aming libro, kung ano ang lahat diyan nakasulat, lahat ‘yan, galing sa akin. Kasi in-interview ako diyan ng writer. Walang dagdag ‘yan, walang kulang, nabasa ko na lahat ‘yan,” sabi ni Tita Annabelle.
Sa nasabing libro ay nakapaloob ang mga nangyari sa kanya at may mga payo rin siya para sa mga babaeng nagmamahal kung paano mapapasaiyo ang lalaking gusto.
Say nga ni Mr. Lopez, tawang-tawa raw siya sa part kung saan ay itinuturo ni Tita Anabelle ang tamang pagsabunot sa babaeng kaaway.
Pati kung paano manampal ay itinuro rin ng nanay nina Ruffa and Richard Gutierrez sa libro.
Nabasa na rin daw ng mister niya ang book two days ago pero hindi raw niya alam. Basta nakita na lang daw niya ang book sa room nila. Tinanong niya ang maid at maghapon nga raw nagbasa si Tito Eddie. Inisip daw niyang baka galit ito sa mga sinabi niya sa libro.
“Hindi niya ako kinikibo. This morning, sabi ko sa kanya, “Eduardo, may presscon ako sa ABS-CBN tungkol sa bago kong libro, nabasa mo na ba ‘yan?”
Ang sagot daw sa kanya ni Tito Eddie, “grabe ka, naalala mo lahat, wala talagang ano”.
Tinanong daw niya kung hindi ba ito galit at ang sagot daw sa kanya, “dapat hindi mo na sinama si Ruffa.”
Pero say ni Tita Anabelle, hindi raw pwedeng hindi isama si Ruffa dahil ito nga raw ang ginawa niyang sampol sa kanyang mga payo.
“Kaya hindi pwedeng hindi kasama si Ruffa dahil siya ang kasama ko, eh, almost 24 hours.”
Hindi pa raw nababasa ni Ruffa ang libro pero sure siyang magagalit daw sa kanya ang anak pag nabasa ito.
“Pinapa-order ko nga siyang 200 copies. Kailangan sabay-sabay ang order kasi baka pag nabasa niya ‘yung isa, hindi na um-order nang marami. Sabi niya, “what’s inside the book?” Sabi ko, mage-enjoy ang mga kaibigan mo, hindi ka magsisisi, P175 pesos lang, maganda pa, masarap basahin”. Sabi niya, “ano ‘yan, mommy?” Sabi ko, “about myself lang” pero hindi niya alam, kasama siya do’n,” kwento pa ni Tita A kaya tawanan ang lahat.
Out na sa National Book Store at Powerbooks outlets nationwide ang Day, Hard! (Lakas ng Loob, Kapal ng Mukha).
- Latest