Pero ’di pa kayang dalawin, Albert pumiyok sa kalagayan ni Amalia Fuentes!
Humarap na sa ilang kaibigang showbiz writers si Albert Martinez matapos manahimik ng ilang buwan mula nang mamatay ang asawang si Liezl Martinez. Kahit may lungkot pa rin sa personal na buhay, natutuwa naman si Albert dahil sa dalawang teleseryeng ginagawa ngayon, ang All of Me sa hapon at ang Ang Probinsiyano sa gabi. Sa edad na 50, ngayon lang siya nakaranas ng ganitong sitwasyon kaya nandoon ang sigla sa career niya.
“To be honest with everyone, when I turned 50, I already decide, not really to throw the towel but to accept much, much older roles. But with the blessings, I don’t know. Nagkaroon tayo ng extension ng ating career. Binigyan tayo ng much younger leading ladies. We started with Bea Alonzo and now to my surprise, much younger naman. Si Yen (Santos).
“So ‘yun ang nangyari sa…I don’t know what to call it pero after 50 years, so heto ‘yon. We call it back 2 back,” pahayag ni Albert kahit puyat sa nakaraang taping.
Overwhelming ang dating sa kanya na ipareha siya sa mas batang leading lady. Nu’ng una ay hindi niya alam kung paano i-handle ang sitwasyon.
“Hanggang ngayon I can’t imagine. Pero kayo, siguro, you can imagine na ‘yung moment na nagtatrabaho ako, nagkakaroon ako ng pagkakataong matanggal ‘yung isipan ko kung anuman ang dinadala ko,” rason ng aktor.
Dinadala pa ba niya ang nangyari?
“Mahaba ito eh. Minsan okey na ako pero ‘pag mag-isa ka na lang, sa places you go to, mga memories, and all that, siyempre, bagsak ka naman uli. Ganoon talaga eh. It will take a while,” katwiran ni Albert.
Hindi ang tipo ni Albert na tinatalikuran ang proseso ng paglimot. Eh kumusta na sila ngayong silang mag-aama dahil first Christmas na wala si Liezl sa piling nila?
“It will be the saddest Christmas. Kasi we always have a happy Christmas! Liezl makes it a point na magkasama kami. Siya talaga ‘yung punong abala sa regalo. She makes sure we do this and that! Right now, it’s going to be hard but we’ll get by!” diin ni Albert.
“Losing a wife is not a joke. Lahat ng worst things na nangyari sa akin, dito sa 2015! Dala-dala ko ‘yon. Hindi ko matatanggal ‘yon!” dagdag pa ng aktor.
Kinumusta rin ng press kay Albert ang mother-in-law niyang si Amalia Fuentes matapos itong ma-stroke sa South Korea.
“My mother in law…Another topic na medyo sensitive. Saka hindi ako authority dito. Kung meron man authority eh ‘yung mga Muhlach.
“Base from mga na-mention sa akin ng mga bata, she’s kumbaga on her way to recovery but the recovery will take a while. Talagang extensive therapy. Siguro kung okey na lahat, dalawin ko siya. We’re just waiting for the right time. Ayaw ko nang mag-add ng pressure to anyone. Ayoko ring mag-add ng pressure sa aking mother-in-law,” paliwanag pa ni Albert na umaasam din na gumaling ang mother-in-law.
Francis Tolentino laging nasa puso ni Manay Lolit
Walang partido ang dating MMDA Chairman Francis Tolentino na tatakbong senador sa 2016. Nang maging pinuno ng ahensiya ng pamahalaan, naging malapit si Chairman Francis sa showbiz dahil sa paghawak niya ng Metro Manila Film Festival (MMFF).
Kaya naman isa sa plataporma niya ngayon ay ang paglikha ng Film Development Act of 2016 nang sa gayun ay matulungan ang dying movie industry sa pamamagitan ng tax incentives at iba pang tulong.
“Mas mura kasing mag-import ng foreign films kesa mag-produce ng local films. Sayang. Hindi nasundan si Heneral Luna. Sayang umatras si Kapitan Puli. Sayang, hindi natuloy si Lakambini. Sayang, wala pang Heneral Luna Part 2. Meron na sana tayong bandwagon. Meron na sana tayong kasunod subalit hindi talaga ito natutuloy dahil wala tayong subsidy na ibinibigay,” pahayag ni Chairman Tolentino.
Kahit wala na sa MMDA, nasisisi pa siya sa matinding traffic ngayon sa bansa.
“I was given the hardest job but I believe deep in the people’s heart, ginawa ko naman po siguro ang tama!” diin ng senatoriable.
Sa thanksgiving dinner na ‘yon ni Chairman Francis, present si Manay Lolit Solis kahit gabi na. Rason ng host-talent manager, “Mahal ko si Chairman Tolentino dahil sa tulong na ginawa niya kay Alyssa Alano nu’ng naaksidente! Hindi talaga ako nahirapan sa paghingi ng saklolo sa kanya. Kaya lagi siyang nasa puso ko!”
- Latest