^

Pang Movies

Direk Dan binago ang kadaldalan ni Jennylyn

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Wala pa mang malinaw na directive ang Metro Manila Film Festival (MMFF) tungkol sa celebration simula sa December 25, dahil wala pa ring sinasabi ang opisina ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na tutulong sa executive committe, tuluy-tuloy naman ang mga producer sa pagpapa-presscon ng kani-kanilang pelikulang kasali.

Last Tuesday, nag-presscon na ang Quantum Films Productions ng romantic-comedy movie na Walang Forever na tampok sina Jericho Rosales at Jennylyn Mercado.

Nakausap namin si Direk Dan Villegas na biniro namin na konek sila talaga ng girlfriend na si Direk Antoinette Jadaone dahil sabay pa silang nag-presscon ng movie namang dinidirek nito sa Star Cinema, ang All You Need Is Pag-ibig nina Kris Aquino at Derek Ramsay.

Wala bang pressure sa kanila na parehong romantic-comedy movies ang ginawa nila at hindi ba sila magkamukha ng story?

Hindi raw naman dahil pareho silang nagkukunsultahan sa mga sinusulat nila dahil si Direk Jadaone ay may alam din sa story niya at ganoon din siya sa sinulat ng girlfriend.

Biro pa ni Direk Dan, hindi raw niya iniisip ang pressure habang nagsu-shooting siya dahil dalawang mahuhusay na artista ang kanyang mga bida sa Walang Forever.

May pagbabago ba sa acting ni Jennylyn kaysa blockbuster movie nila in the 2014 MMFF na English Only Please?

Nabago raw siyempre dahil iba ang character nito bilang si Mia sa Walang Forever, hindi na ito tulad ng character dati ni Tere na madaldal at todo-pasa lang ang mga ginagawa.

Masaya naman siya kay Jericho na napakahusay ding actor kahit medyo nahirapan itong mag-shift sa kinagawian nang drama roles sa isang nagpapatawa ngayon.

Promise niya na magugustuhan din ng mga manonood ang movie nila, na gusto raw lamang nilang magpasaya sa mga tao.  Sino ba ang ayaw, pero hindi raw sila nag-iexpect na magiging top grosser sila.

Sa ngayon, ang English Only Please ay naka-P 165 million na.

Alden at Yaya Dub hindi nagpapa-pressure para magka-inlaban

Pinakahihintay ng AlDub Nation ang interview ni Filipino journalist Rico Hizon sa phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza for the BBC News na naganap sa studio ng Eat Bulaga during the APEC Summit sa Manila.

Naglabas na ng teaser si Mr. Hizon at ito ang part ng interview niya kina Alden at Maine:

Rico Hizon: What it feels like to be popular so quickly?

Maine: It’s very overwhelming.  Everything that is happening now has not sink in to me yet.  The mere fact that people are so engaged and drawn into the whole thing is unbelievable.  The support and love of our fans is amazing, they’re incredible.

Alden: Basically, AlDub is just an accident.  Nobody planned this, nobody knew that it would turned this way, nobody knew that this would be this successful.

Rico Hizon: Are you both in-love?

Alden and Maine: That’s for the people to find out very soon. What ever we have now, we’re just making the most of it and we’re just having fun.  No pressure.  We are not closing our doors on what’s going to happen next between the two of us... We are both single anyways.  So that possibility is possible.”

vuukle comment

ACIRC

ALDEN AND MAINE

ALDEN RICHARDS

ALL YOU NEED IS PAG

ANG

DEREK RAMSAY

DIREK ANTOINETTE JADAONE

ENGLISH ONLY PLEASE

NBSP

RICO HIZON

WALANG FOREVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with