Kaloka rin ang Kapamilya network sa career plan ni Julia Barretto. Ginastusan, hininog upang magbida nu’ng simulang proyekto, tapos nga-yon, sa bagong teleserye, hayun at pinalabas siyang kontrabida, huh!
Buti na lang, hindi umalma ang inang si Majorie Barretto at walang palag ang tiyahin na si Gretchen Barretto, huh!
Eh, tingin nga namin, parang minadaling ipalabas ang bago niyang series. Kumbaga, mairaos lang. Kasi naman, ‘pag Disyembre, busy lahat ang mga tao. Bihira ang nakatutok sa telebisyon.
So parang wala rin. Hindi rin masyadong mapapanood si Julia.
Malupit pa ang katapat na shows sa GMA kaya after nito, baka maglaho na siyang parang bula, huh!
Keri na uling mag-Darna?! Angel hindi na iika-ika
Bumuhos ang mga Tomasino (tawag) ng bayan ng Batangas nang gawin doon ang Ala Eh! Festival mula Disyembre 1-8 kaugnay ng foundation day ng Batangas Province.
Bale ito rin ang nagsilbing huling pasabog ni Governor Vilma Santos-Recto bilang gobernadora ng lalawigan.
Ang singing contest na Voices, Songs & Rhythm ang binisita ng media last Monday.
Dito nagtagisan ng galing sa pagkanta ang mga Batangueño mula sa iba’t ibang bayan ng probinsiya. Pitong kalahok ang naglaban sa junior division at pito rin sa senior division.
Upang lalong kuminang ang event, inimbitahan ni Governor Vi bilang hosts sina Vhong Navarro, Alex Gonzaga, at Billy Crawford.
Nag-judge muna si Christian Bautista sa mga junior contestant bago siya sumalang bilang isa sa judges ng senior division.
Sa board of judges naman, present sina Vehnee Santurno, Jovit Bal-dovino, at Marcelito Pomoy na nagbigay rin ng mga awitin. Ang The Voice Kids 2 finalist na si Esang ay naghandog naman ng awitin.
Sa susunod na eleksyon, ang maging Congresswoman ng Lipa City ang takbo ni Gov. Vi.
Sa mini-presscon na naganap bago ang labanan ng kantahan, muli siyang nagpalasamat sa mga kumunsidera sa kanya bilang Vice Presidential candidate.
“Gusto ko namang bigyan ng mahabang oras ang aking pamilya. Tatakbo na si Ralph (Recto) bilang senador. Ayoko namang iwan ang bahay eh may anak pa rin naman akong nag-aaral.
“So, thank you for considering me. Pero hindi ko talaga kaya ang malawakang kampanya,” rason ni Gov. Vilma.
Samantala, pagdating naman sa latest movie ni Ate Vi, ibinalita niyang meron pa silang six shooting days. Although ito raw ang pambato ng film outfit sa simula ng taon, makikipag-usap muna siya bago malaman ang totoong playdate.
Basta natutuwa siya’t maayos na ang katawan ni Angel Locsin. Nakita niya ang paghihirap ng aktres sa nakaraan nilang shooting dahil sa iniindang sakit sa likod.
“She’s okey na. Pahinga lang siguro ng konti bago uli mag-shoot. Kawawa siya sa shooting. Iika-ika! Now, she’s fine,” sambit ni Ate Vi.
Sa huli niyang Ala Eh! Festival bilang gobernadora, proud siya’t ginawa ‘yon sa bayan ng Sto. Tomas na hindi niya balwarte nu’ng tumatakbo siya. ‘Yung incumbent governor na nakalaban niya last 2013 ay tinalo niya.
Nagkasundo sila ng asawa ng namatay na gobernador na mayor ngayon ng Santo. Tomas na si Edna Sanchez. Isang malaking achievement ‘yon para kay Gob. Vi dahil sa ngalan ng public service eh, naisantabi nila ang kanilang labanan sa pulitika.