Ayon kay Iñigo Pascual, hindi naman daw niya siyempre pinakikialaman ang personal life ng leading lady niya sa And I Love You So na si Julia Barretto at ang importante raw, magkasundo sila sa trabaho at magkaibigan sila.
“In this job naman, I don’t think we should let any personal stuff affect it. To be honest, I don’t know anything what’s going on with her personal life and vice versa. It’s not my business to talk if there is anything going on. We just work and we have that friendship,” sabi ni Iñigo sa entertainment press sa presscon ng And I Love You So.
Pero kahit maraming issues ngayon na ibinabato kay Julia, ayon kay Iñigo ay matatag naman daw ang kanyang leading lady. “She’s very professional. Hindi niya pinapakita na naapektuhan siya. She’s that kind of person. She’s really strong,” sey ng young actor.
Gusto ring ipaalam ni Iñigo kay Julia that he’s always here for her bilang kaibigan.
“She’s my friend. Kahit naman sabihin natin na hindi kami naaapektuhan, you still want to be there for them. I guess it’s just being there for the person,” he said.
KathNiel bidang-bida Campaign song ni Mar, parang station ID
Ang lakas ng impact ng music video ng Fast Forward dahil sa presence ng KathNiel loveteam (Kathryn Bernardo and Daniel Padilla) at ng nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano.
Ipinakita ang MV sa intimate Christmas party for the entertainment press ng mag-asawang Mar Roxas and Korina Sanchez held last Wednesday at sabi nga ng isang entertainment editor, parang station ID raw ng network ang dating dahil sa rami ng artista.
Ang Fast Forward ay pinagtulungang i-compose at i-record nina Kris Lawrence, Billy Crawford and Jay-R para sa Liberal Party presidentiable. Ito bale ang gagamiting campaign song ni Mar for 2016 elections.
Star-studded ang MV dahil bukod sa KathNiel, Maricel, Carla Abellana, Jay-R, Kris and Billy, nandu’n din sina Karylle, Melason couple na sina Melai Cantiveros and Jason Francisco, Rufa Mae Quinto at marami pang iba.
Siyempre nasa MV rin si Mar at ang kanyang Vice-President candidate na si Leni Robredo na hindi rin nalalayo sa mga artistang kasama ang beauty.
Sa Christmas party ay nakakatuwa ang mag-asawang Mar and Koring nang kumanta sila for the press.
Ayon kay Mar, ang misis niya raw ang nag-asikaso lahat ng party kaya very thankful siya for having a very supportive wife. Nasa party rin sina Congressman Alfred Vargas at Congressman Dan Fernandez na nasa ilalim din ng partido Liberal.
Sina Mar and Koring ang pangalawang nagbigay ng Christmas party for the entertainment press. The first one was PPL Entertainment ni Perry Lansigan noong Dec. 1.
Mayor Duterte masusubukan ang tapang kay Pope Francis
Hindi rin nagustuhan ni Atty. Lorna Kapunan ang pagmumura ni Davao Mayor and Presidential candidate na si Rodrigo Duterte sa ating Santo Papa.
“That is unforgivable. In fact, he (Duterte) should apologize. That is one instance where he cannot get away with saying, “I did not mean, Pope Francis, what I was referring to is the traffic”, because hindi ganyan ang transcript,” pahayag ni Kapunan na tumatakbong senador sa ilalim ng Partido ng Galing at Puso ni Sen. Grace Poe.
Dagdag pa niya, tunay na matapang daw ay ‘yung marunong umamin ng pagkakamali.
“To me, the test of bravery is when you are brave enough to accept that you are wrong, and this is one instance where I think, he is wrong. Do not malign the Pope,” she said.
Pero ‘yung madalas daw na pagmumura daw nito ng P.I., pareho lang daw ito ng “fuck you” or “shit” sa English pero hindi naman daw tayo nao-offend pag English.
“Kasi, hindi natin gets ‘yung “fuck you, shit, go to hell”, mga ganyan. Walang dating ‘yun. Pero pag sinabing “P.I n’yo naman, makinig kayo dito”, eh di may dating ‘yun. To me, I am giving him the benefit of the doubt.”
Pero ‘yung pati ang Santo Papa ay hindi niya pinatawad, eh talaga namang sobra naman yata kaya nga agree rin kami kay Atty. Kapunan na dapat mag-apologize talaga si Duterte.