Arthur pinatataba nang husto ni Rochelle

MANILA, Philippines – Halatang tumataba si Arthur Solinap, boyfriend ni Sexbomb Rochelle Pa­ngilinan.

Sa taping ng Pepito Manaloto, malimit siyang tuksuhing Papa, dahil sa tumaba nga. Masarap magluto si Rochelle kaya’t hindi mapigilan ni Arthur tikman lahat mga niluluto nito. Kaya ayun, pagtungong komedy tuloy ang kalimitang papel ni Arthur.

Sarah may ‘K’ sa pagda-Darna

Sa Dec. 4 & 5, may concert si Pop Princess Sarah Geronimo, ang From the Top sa Araneta Coliseum. Si Paolo Valenciano ang magdidirek at si Direk Louie Ignacio naman sa music. May nagkokomento, pwede raw gumanap na Darna si Sarah. Tutal naghahanap din lang ang Star Cinema. Pero balitang ayaw ni Sarah.

Regine may benefit concert bago mag-Pasko

Sa Dec. 6 naman may concert ang Bulakenyang Diva na si Regine Velasquez sa Biñan, Laguna sa Alonte Sports Arena, Biñan, The Song Bird in Biñan. Makakasama niya si Jaya, direction ni Raul Mitra. Ang kikitain ay mapupunta sa Biñan Foundation.

Jose tapos na ang pagbabakasyon kuno sa Amerika

Masayang balita para sa fans ni Jose Manalo, magbabalik na si Jose sa kalyeserye. Natapos na ang pagbabakasyon kuno niya sa America. Magpapasko na at kailangan magkakasama ang magkakapatid para sa ikaliligaya nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub.

Show comments