Handa nang tumanggap ng mga mature roles ang Kapuso actress na si Bea Binene ngayong nasa legal na edad na siya.
Hinintay nga ni Bea na maging 18 years old siya para makapili na siya ng mga roles na gusto niyang gawin sa TV o pelikula.
“Bilang aktres, gusto namang maiba na ang mga ginagampanan kong role sa mga teleserye.
“Nakipag-meeting na ako with GMA Artists Center at pinag-uusapan na ang mga gagawin kong mga roles in the future,” diin pa ni Bea.
Sa ngayon ay lifestyle show na Legally B ang pinagkakaabalahan ni Bea. Meron din siyang programa na Good News na parehong napapanood sa GMA News TV.
Nasa plano pa rin ni Bea na mag-travel sa iba’t ibang bansa. Kung hindi lang daw siya nagkaroon ng debut party, ang pagbiyahe ang gusto niyang gawin.
My Bebe Love, nangangamoy box-office na
Sa reaction pa lang ng mga tao sa trailer ng My Bebe Love na isa sa mga official entries ng 2015 Metro Manila Film Festival, alam mo na isa ito sa magiging top-grossers.
Nagtitilian ang mga tao sa isang sinehan noong ipalabas ang trailer ng My Bebe Love. Wala pa ngang dialogue sina Alden Richards at Maine Mendoza sa trailer pero kinikilig na ang mga tao sa kanila.
Mukhang tutuparin ng AlDub Nation na susugod silang lahat sa mga sinehan on Christmas Day kung saan palabas ang My Bebe Love para suportahan sila Alden at Maine, at siyempre, sina Vic Sotto at AiAi delas Alas.
David Beckham hindi ramdam ang kaseksihan
Sa wakas at ang soccer legend and hunk na si David Beckham ang napili ng People Magazine bilang Sexiest Man Alive for 2015.
People is celebrating 30 years since nagsimula sila sa kanilang annual Sexiest Man Alive. Ang mga nag-land na sa cover bilang Sexiest Man ay sina Mel Gibson, Mark Harmon, Harry Hamlin, John F. Kennedy Jr., Sean Connery, Tom Cruise, Patrick Swayze, Nick Nolte, Richard Gere, Brad Pitt, Denzel Washington, George Clooney, Harrison Ford, Pierce Brosnan, Ben Affleck, Johnny Depp, Jude Law, Matthew McConaughey, Matt Damon, Hugh Jackman, Ryan Reynolds, Bradley Cooper, Channing Tatum, Adam Levine and Chris Hemsworth.
Ang rason ng mga taga-People kung bakit ang British sportsman ang napili nila, ito ay dahil sa bukod sa pagiging global superstar nito, isa rin itong philanthropist, devoted husband to Victoria Beckham and down-to-earth dad of four kids (Brooklyn, Cruz, Romeo and Harper).
“It’s a huge honor. And I’m very pleased to accept.
“I never feel that I’m an attractive, sexy person.
“I mean I like to wear nice clothes and nice suits and look and feel good, but I don’t ever think of myself that way,” diin pa niya.
Unang natuwa raw sa balitang ito ay ang kanyang misis na si Victoria Beckham.
“I would hope that she feels this way about me all the time anyway! But she said, ‘Congratulations!’”