‘Nakakapag-sising alipin’

Ok ‘yang APEC Summit na ‘yan sa ating gob­yerno, pero grabe ang perwisyo sa taumbayan. E kasi sobrang APECtado ang mga commuter.

Nagkataon namang may raket din ako sa Pasay City. Sising-alipin ako kung bakit ako naglakas-loob na lumuwas ng Maynika. Buti na lang at dumating ang nephew ko na naka-motorsiklo at sinaklolohan ako.

Kaya naman puro mura ang maririnig mo patungkol sa mga kinauukulan. Grrrrrrr!

Oasis of Love may gaganaping Christmas party

Para sa lahat ng kasapi ng Oasis of Love, isang religious ministry ng showbiz people, na pinangu­ngunahan nina Bro. Jesse Ejercito, Boyet de Leon, Rez Cortez at iba pa, malugod kayong tinatawagan para sa gaganaping Christmas party at selebrasyon ng ika-27th anniversary ng ministry sa December 4, umaga hanggang gabi.  

Available na ang tickets for dinner, raffle, at entertainment. The color motif ay red, green, and gold.

Call Sis Ana Gonzales (0917-4089988) or Sis Nimfa Nagun (0917-3263303) for reservation and the venue.

Napakasaya ng Christmas party and anniversary ng Oasis of Love taun-taon. Big prizes naman talaga ang mapapanalunan sa raffle.

Grace Poe tinitiris na parang kuto

How come na hindi talaga Pinoy si Senator Grace Poe? ‘Taka naman ako at nakakatawa kayong kumakalkal sa katauhan niya. Kilala ko siya since birth, ipinakilala siya sa PMPC carolers ni Fernando Poe, Jr. (FPJ) nang magkaroling kami sa kanilang bahay ni Ms. Susan Roces sa Greenhills.  

Isa sa inawit namin ay ang Malamig ang Simoy ng Hangin. Ilang beses din naming nakita ang bagets habang lumalaki. At dahil sa pulitika, kinalkal na ang pagkatao niya ngayon.  

Anyway, ganyan ang politics, lalo na’t feeling nila na mananalo. Maraming hahanapin, kakalkalin, at titirisin ka na parang kuto at lisa.

Bahala na si Lord Jesus, may nais siyang ipahiwatig.

Mark hindi na jobless

Natuwa naman ako kay Mark Herras, ang unang Starstruck survivor na parang napapabayaan ng GMA 7. Kasama na kasi siya ngayon sa Little Nanay na pinagbibidahan ni Kris Bernal kasama sina Nora Aunor at Bembol Roco. Big brother siya ni Kris dito.

Ang ganda ng story nito, kitang-kita ang kanilang family bonding.

Mga bagong mukhang mapapanood sa TV5 isinisikreto pa

Ayaw pang mag-sample ng mga soon-to-be seen sa TV5 Network. E, marami silang surprise series and shows pagpasok ng December.

Anyway, patok naman sa mga basketball fana­tics ang kanilang sports-TV shows, specially Gilas Pilipinas.  

Siyempre, number one pa rin ang TV5 sa mga news program nila na ang department head ay si Luchi Cruz-Valdez, kasama ang mga pambatong newscaster na sina Erwin Tulfo, Ben Tulfo, Cheryl Cosim, Paolo Bediones at iba pa.  

Kasama pa rin si Cristy Fermin sa Police Showbiz.

Show comments