Bea napilitang maghubad sa harap ni John Lloyd
Parehong excited but at the same time ay kabado sina John Lloyd Cruz and Bea Alonzo sa A Second Chance, sequel ng blockbuster hit movie nilang One More Chance.
Aminado ang dalawa na may takot sila sa kung paano tatanggapin ng mga tao ang A Second Chance dahil ibang-iba raw talaga ito sa One More Chance.
“There’s fear kasi yung expectations na hindi magkaroon ng open mind ‘yung mga tao while watching this. You’re not really supposed to compare it sa first movie namin because it’s very different. Ako personally, I like our movie now sa personal taste ko,” sabi ni Bea.
Sabi naman ni Lloydie, “You’re talking about a gap of eight years. Obviously mga ibang tao na ‘yung characters so medyo nag-create siya ng fear. Nag-aalala lang siguro kami. Kami ‘yung bahagi ng kuwento, part kami ng nagkukuwento. Kagaya ng maraming viewers, mayroon talagang pumapasok ng sinehan na may certain expectations. Bilang creator, it’s something that makes you worry kasi hindi mo alam kung ano ang ine-expect nila.”
Ayon naman kay Direk Cathy Garcia-Molina na siya ring direktor ng One More Chance, talagang nag-take rin naman sila ng chance rito sa A Second Chance.
“We took our chance to tell you a story about them that you haven’t seen before and maybe, you cannot imagine for them to go through. We took also our chance,” sey ng box-office director.
Aminado rin ang tatlo na lahat sila ay nahirapan doing this film lalo na nga si Bea na may mga “hubaran” scene pa yata dahil kwento ni Direk Cathy, na-offend daw siya sa aktres dahil akala raw yata nito ay ilu-launch siya as bold star.
“Nasaktan po ako sa pelikulang ito, na-offend po ako, sobra. Dahil akala ni Bea, ilu-launch ko siyang bold star,” sabi ni Direk Cathy sabay-tawa.
“Sabi niya, “direk, sagad na ‘to”, kwento pa ng direktor.
Say naman ni Bea, andu’n na raw kaya wala na siyang nagawa.
Makikita raw sa pelikula ang mga normal na ginagawa ng mag-asawa since mag-asawa na rito sila Popoy and Basha (Lloydie and Bea’s characters).
“Kasi po, pag mag-asawa kayo, parte ‘yun ng pagdadaanan n’yo, you know, to be naked in front of each other. Pero wala naman pong naked scene, hindi ko pa kaya,” natatawa pang sabi ni direk.
Ang A Second Chance ay showing na sa Nov. 25 mula sa Star Cinema.
Kris proud sa desisyon ni Sen. Bam na kampihan si Sen. Grace
Ikinatuwa ni presidential sister Kris Aquino ang naging desisyon ng pinsang si Sen. Bam Aquino sa disqualification case ni Sen. Grace Poe sa Senate Electoral Tribunal (SET) nitong Martes.
Sabi ni Kris sa kanyang Instagram account, proud na proud siya sa kanyang pinsan sa kanyang pagboto para sa pagbasura ng petisyon para idiskwalipika si Grace bilang senador ng Republika.
Ipinost ni Kris sa Instagram nitong Huwebes ng hapon ang picture ni Bam kasama pa ang lyrics ng I Made It Through the Rain na kanta ni Barry Manilow.
Sinabi ng bunsong kapatid ni Pangulong Aquino kung gaano siya ka-proud sa pinsan sa pagboto sa pamamagitan ng kanyang konsensya.
“I admire Sen. @bamaquino’s decision on the SET issue of natural born citizenship (w/ reference to Sen. Grace Poe)-pinili nya ang prinsipyo at hindi lamang partido. Yes, he’s my 1st cousin & I work closely w/ his wife @timiaquino yet this post is just to simply tell Bam that I admire his choice to vote w/ his conscience. I’m proud to have campaigned w/ him & for him & voted for him in 2013,” sabi ni Kris.
Nauna nang sinabi ni Bam na isinantabi niya ang pulitika sa kanyang desisyon at inisip niya ang implikasyon ng kaso sa mga libu-libong foundling o “pulot” na bata katulad ni Grace sa bansa.
Ginawa ito ni Bam kahit kapartido niya sa Liberal Party si Mar Roxas na isa sa mga katunggali ni Grace sa labanan sa pagka-pangulo ng bansa.
Pinapadiskwalipika si Grace bilang senador dahil umano hindi siya natural-born Filipino dahil isa lamang siyang foundling.
- Latest