Awkward interview ni Karen Davila kay Susan nung 2004, nabuhay kay Alma

Dahil sa interbyu niya kay Alma Moreno, nabuhay na naman ang isyu ng panayam ni Karen Da­vila kay Susan Roces sa burol ni Fernando Poe, Jr. sa Sto. Domingo Church noong December 2004.

Pinag-usapan noon ang live interview ni Karen kay Manang Inday dahil nalagay siya sa awkward situation sa naging sagot ng movie queen sa kanyang tanong.

May YouTube na noon pero walang nag-upload ng video pero sure ako na may file copy ang TV Patrol ng ABS-CBN. Kung may mag-post kaya sa YouTube ng video na tinutukoy ko, magkaroon kaya si Karen ng lakas ng loob na i-share sa followers niya ang bonggang-bonggang eksena?

Papa Chiz at Heart, nakiramay kay Cong. Fariñas

Nakiramay kay Congressman Rudy Fariñas ang mag-asawang Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista noong Miyerkules.

Namatay noong Linggo sa isang motorcycle accident si JR, ang anak nina Papa Rudy at ng pumanaw na comedienne na si Maria Theresa Carlson.

Isinama ni Papa Chiz si Heart sa Ilocos Norte nang makiramay siya sa nagdadalamhati na kongresista.

Kahit balwarte ni Sen. Bongbong Sen. Chiz mabentang-mabenta sa mga kababayan nating Ilocano

Isyu para sa mga intrigera ang pagpunta ni Papa Chiz sa Ilocos Norte dahil balwarte ito ni Senator Bongbong Marcos na kalaban niya sa Vice Presidential race sa 2016.

Sinamantala na rin nina Chiz at Heart ang pagkakataon para makausap ang mga Ilocano sa pamamagitan ng mga interbyu sa mga local radio station.

Tuwang-tuwa si Heart dahil nakabalik siya sa Ilocos Norte dahil dito kinunan ang mga eksena ng Temptation Island at ng Panday, ang teleserye nila ng kanyang ex-boyfriend na si Jericho Rosales.     

“Natutuwa ako na nan­dito ulit ako. ‘Yung huling beses, nag-shooting ako ng Temptation Island at ng Panday pero matagal na ‘yon, “ ang sey ni Heart sa radio interview sa kanya.

“Pero natutuwa ako kasi nag-stay po ako rito nang matagal-tagal kaya natutuwa ako na nakabalik ako, kaya good morning po sa inyong lahat at huwag po ninyong kalimutang manood ng Beautiful Strangers. Escudero-Poe ang mapapanood niyo doon sa Beautiful Strangers, kami po ni Lovi Poe, at ni Heart Escudero.”

Nagbiro naman si Papa Chiz na siya ang tunay na may “puso” kumpara sa mga makakalaban niya sa pagka-pangalawang pa­ngulo dahil Heart ang name ng kanyang asawa.

“Ako ho may pruweba, may kontrata ako at may picture ako. Na may Heart po ako,” ang biro ni Papa Chiz na mabentang-mabenta sa mga kababayan natin sa Ilocos Norte.

Ogie hindi pinalampas ang debut ng anak sa Australia

Bumalik agad si Ogie Alcasid sa Pilipinas matapos dumalo sa 18th birthday party sa Australia ng kanyang eldest daughter na si Leila.

Hindi na nag-extend si Ogie ng bakasyon niya sa Australia dahil nag-perform siya kahapon para sa APEC delegates.

Parang kailan lang, ma­li­liit pa ang mga anak na babae ni Ogie kay Michelle Van Eimeren pero ngayon, ganap nang dalaga si Leila na magandang-maganda at puwedeng sumunod sa yapak ng kanyang nanay na former beauty queen at representative ng Australia sa 1994 Miss Universe na ginanap sa Pilipinas.

Na-love at first sight si Ogie kay Michelle sa kanilang unang pagkikita at humantong sa simbahan ang relasyon nila. Nauwi rin sa hiwalayan ang pagsasama ng dalawa pero pareho na silang maligaya ngayon sa piling ng kanilang mga asawa.

Show comments