^

Pang Movies

Ramdam na ang pagiging thunder Regine aminadong madali nang mapagod

- Vinia Vivar - Pang-masa

Aminado si Regine Velasquez na napagod at nahirapan siya sa first two nights ng kanyang Regine at The Theater at Solaire concert series na ginanap last Nov. 6 and 7.

“Ayoko na! Ayoko na ngang mag-concert!” sambit niya sa kanyang pocket presscon kahapon. “Nung after ng two shows, parang. . .buti na lang may two weeks akong break (before the next two nights on Nov. 20 & 21). Kasi nawala talaga ang boses ko, eh. Hindi naman, nakakanta pa naman, may isang raket pa ako, eh. Nakaraket pa ako.

“Pero parang pagod na pagod ako. Parang ‘yung buong isang araw was not enough for me to rest, to recuperate. Alam mo ‘yung as you get older, ‘di ba bumabagal? Bumabagal even the recuperation period.”

Pero ngayon daw ay nakabawi-bawi na siya at may ilang days pang natitira para makapag-recharge.

“Magawa ko lang ‘yung nagawa ko nung first two nights, I’m really good. Kasi mahirap talaga ‘yung show. I don’t think I can top that, it’s really practi­cally impossible na – to top that. Kasi parang over na, parang super-human ang pwedeng gumawa no’n at 23 years old,” she said laughing.

Pero kahit napagod siya last Nov. 6 and 7, sobrang pinuri-puri naman ang concert at talagang nasabi lahat ng nanood na bumalik na talaga ang boses niya.

Say ni Regine, natatawa na nga lang daw siya ‘pag sinasabing bumalik na ang boses niya dahil hindi naman daw ito nawala.

“It’s just that I had a difficult time singing because I had a condition, ‘yung acid reflux which I still have. So, it’s still a struggle.

“Siyempre, age also is a big factor. I will never ever sound the same way like 10 years ago. That will never happen. So, kung baga, what I’m showing now, what I’m able to sing, this is the condition that I am in now and I am just thankful that I am able to sing these difficult songs despite my condition,” she said.

Samantala, natanong din sa Asia’s Songbird kung bakit wala siya sa Christmas Station ID ng GMA 7 dahil maraming fans niya ang nagre-react bilang siyempre, isa siya sa Reyna ng Kapuso network.

Ayon kay Regine, talaga raw ang sche­dule niya ang may problema kaya huwag nang gawan pa ng issue.

“Kasali talaga ako kaya lang, hindi ko mahanapan ng schedule. ‘Yun lang talaga. ‘Yung schedule nila, lagi akong mayroong ginagawa. Dapat, actually, nung Friday, kaso meron akong Starstruck, ‘di ba?” she said.

Paliwanag pa ni Regine, lagi naman daw siyang kasama sa mga station ID’s ng GMA 7 at ngayon lang naman hindi siya nakasali dahil nga sa schedule.

Okay lang daw sa kanya na wala siya sa CSID ng network kaya huwag na raw intrigahin pa.

“Wag ganu’n kasi nakakahiya rin naman sa GMA 7 kasi parang ang lumalabas tuloy, eh inutusan ko pa ‘yung. . .huwag naman. It’s also not their fault. Hindi lang talaga nagtutugma ang schedule. Sabihin n’yo nga sa mga fans, huwag na silang umarte,” hirit ni Songbird na natatawa.

Anjo gusto munang may mapatunayan bago magparamdam kay Julia

Inamin ni Anjo Damilles na na-insecure siya sa pagpasok ni Sam Milby sa Doble Kara.

“Na-insecure rin po kasi siyempre, sino ba naman si Sam Milby? Sino ba naman si Edgar Allan Guzman? And mas sino naman po si Anjo Damilles, ‘di ba?” say ni Anjo nang maka­tsikahan namin sa isang pocket presscon kamakailan.

“Siyempre, kapapasok ko lang po sa showbiz, tapos nabigyan agad ako (ng serye), so siyempre, ‘yung mga tao, “sino tong taong ito?”

Sa pagpasok ni Sam, ano ang mangyayari sa karakter nila ni Edgar Allan na parehong love interest si Julia Montes bilang Kara and Sarah?

ACIRC

ANG

ANJO

ANJO DAMILLES

KASI

LANG

NAMAN

PERO

SAM MILBY

SIYA

YUNG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with