Sam naghihintay sa sagot ni Anne!

Matupad kaya ang wish ni Sam Milby na makasama sa kanyang concert si Anne Curtis?

Bale ba magdiriwang si Sam ng kanyang 10th anniversary sa showbiz sa November 28, Sabado sa The Kia Theater sa Araneta Center.

Nagsimula ang journey ni Sam bilang commercial model hanggang pumasok siya sa Pinoy Big Brother (PBB). Mula nang maging housematesiya sa Bahay ni Kuya ay napansin na agad ang appeal ni Sam.

Paglabas ni Sam ng PBB house ay ipinamalas niya ang kanyang talent sa singing hanggang sa sinubukan na niya ang akting at nakatambal sina Bea Alonzo, Toni Gonzaga, Angel Locsin, KC Concepcion, at si Anne Curtis na naging dyowa niya.

Si Anne rin ang huling na­ging gf ni Sam na kahit may iba nang nobyo ang actress/singer ay laging sinasabi ng singer/actor na greatest love niya ang dating nobya.

Special guest ni Sam sa kanyang concert ang  mga kaibigan na sina Piolo Pascual, Gerald Anderson, Rayver Cruz, John Prats, Enchong Dee, Yeng Constantino, Angeline Quinto, at KZ.

Pokwang ipapatikim sa bf ang Pasko sa ‘Pinas

Kahit si Kris Aquino ay napa-wow sa KrisTV nang sabihin ni Pokwang na magbabakasyon silang “pamilya” pagkatapos ng Pasko.

Siyempre hindi na nagpapaliguy-ligoy ang comedienne na angkinin ang dyowa niyang Canadian actor na si Lee O’ Brian tutal ay boto naman ang kanyang anak. Sa pagpasok nga ni Lee sa buhay ni Pokie ay nabuo na ang inaasam-asam na pamilya ng komedyante.

Gusto ni Pokie na ma-experience ni Lee ang Pasko sa ‘Pinas kaya rito sila sa bansa magpapalipas ng Kapaskuhan hanggang Bagong Taon.

After Christmas ay saka raw sila pupunta sa Coron, Palawan kasama ang anak. Mauuna lang lumuwas ang anak ni Pokwang pa-Manila dahil may pasok agad ito sa January 4, 2016.

Isang araw lang maiiwan si Pokwang kasama si Lee sa Palawan, para masolo nila ang isa’t isa pagkatapos ay balik na rin sila sa kanilang mga commitment.

Show comments