^

Pang Movies

Pahinga muna sa drama Dennis gusto na rin gumawa ng romantic-comedy series

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

After ng soap ni Dennis Trillo na My Faithful Husband, na magtatapos na ngayong November, nagsabi na siya sa manager niya na gusto muna niyang magpahinga.  

Inamin ni Dennis na physically and emotionally draining ang cha­racter niyang si Emman sa primetime drama nila na para sa kanya ay pinakamahirap na role na kanyang ginampanan.  

Ngayon daw lamang siya gumawa ng soap na marami siyang beses na umiyak at nakipagsigawan na mabigat daw sa dibdib.  

Gusto rin naman niyang magpahinga dahil hindi biro ang 57 shooting days niya noon ng Felix Manalo na sumabay din sa pagsisimula ng My Faithful Husband.

May isa pang request si Dennis sa manager niya at sa GMA 7 na gusto naman niyang makagawa ng isang romantic-comedy series.  

Ayaw daw niyang isipin ng mga manonood na hanggang drama na lamang siya.

Kaya baka sa Christmas, magbakasyon siya abroad or he will find time to be with his 8-year old son, Calix. 

Kalaban ang major sponsor AlDub malabong manalo sa Push?!

May partnership ang ABS-CBN Digital Media Group sa PLDT Home DSL para sa kanilang kauna-unahang Push Awards na magaganap sa November 10 sa Resorts World Manila.  

Present sa contract signing at launch si Gary Dujali, PLDT Vice President & Marketing Head with ABS CBN executives Richard Reynante at August Benitez.  

Ayon kay Mr. Dujali, ang partnership ay nagpapakita lamang ng kahalagahan ng social media sa entertainment para sa Filipino families

 “Excited kami sa partnership na ang PLDT Home DSL, na number one sa home broadband, ay sisiguraduhin sa mga avid fans ng celebrities na kasali sa first Push Awards ay makukuha nila ng updates tungkol sa contest” sabi pa ni Gary, “Mayroon din kaming treat sa mga fans and their families, dahil magbibigay kami ng tickets sa lucky fans na exclusive seats sa awards night sa pamamagitan lamang ng pag-like o pag-follow nila sa @PLDTHome sa Facebook, Twitter at Instagram sa paggamit ng hashtag na #HOMEDSLxPUSHAWARDS.”

Ni-release din nila ang list of nominees sa iba’t ibang categories.  

Ang mga nominees with the highest number of votes sa bawat category ang mananalo.

Matagal nang nagsimula ang pagboto sa Push Awards at magtatapos na ito ngayong Wednesday, November 3.  Wala pa kaming balita kung isasama nila sa contest ang AlDub love team nina Alden Richards at Maine Mendoza, na sabi nila noong presscon ay may inaayos pa sila.  

Ang AlDub ay endorsers ng TNT (Talk ‘n Text) ng Smart na kalaban ng PLDT.  Matatandaan na nagtala ng pinakamataas na tweets na 41 million noong October 24 ang #ALDubEBTamangPanahon, sa buong mundo.

Album ni Alden, platinum na

Tuloy pa rin ang pagdating ng blessings kay Alden Richards dahil kahapon, ini-award na ng PARI at GMA Records ang Platinum record award ng kanyang album na Wish I May sa Eat Bulaga.

Kailan naman kaya ia-award ng Universal Records ang Platinum record award din ni Alden ng debut album nito sa kanila?  

Halos magkasabay na nag-announce ang dalawang recording company na certified Platinum na ang albums ni Alden.

 

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

AUGUST BENITEZ

DENNIS TRILLO

DIGITAL MEDIA GROUP

EAT BULAGA

FELIX MANALO

MY FAITHFUL HUSBAND

NBSP

PUSH AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with