MANILA, Philippines – Parang mas may acting pa si Lauren Young kaysa sa kapatid niyang si Megan Young sa MariMar.
Wala kasing pakiramdam si Megan kapag inaapi-api siya ni Jaclyn Jose sa eksena!
Hindi raw siya mukhang nakakaawa dahil parang feeling niya ay palaging may nakapatong na korona sa kanya sa bawat eksena.
Hindi tuloy mag-klik ang pakulong type na type siya ni Tom Rodriguez, dahil identified naman ng lahat na meron siyang boyfriend na si Michael Daez.
Si Tom Rodriguez naman kahit may Carla Abellana na, ayaw pa rin umamin na sila na. Mabuti na lang na kasama sina Nova Villa at Tommy Abuel sa serye dahil kahit paano, maganda ang istorya kahit hindi mukhang mahirap si Megan sa istorya.
AiAi iniyakan ang kembot ni Wally
Sa hindi maipaliwanag na dahilan, hindi raw malaman ni AiAi delas Alas kung bakit habang sumasayaw si Wally Bayola sa Eat Bulaga ay naiiyak siya.
Hindi raw maipaliwanag ang kanyang nararamdaman.
Imagine, sa ganoong kalaking venue, isang kakilala mong Wally ang sumasayaw ng walang katakut-takot, siguro ay dahil pareho silang discovery ng comedy bar kaya grabe ang tuwa niya habang pinapanood si Wally.
Jose pinababalik na sa hukay ang mga Cuando
Walang duda, si Jose Manalo na talaga ang bagong Chiquito ng local showbiz. Idol pala niya ang style ng pagpapatawa nito hanggang sa pagsayaw at pagkanta.
Pareho silang may dimples, hindi papahuli si Jose ‘pag magkakasama na sila nina Wally at Paolo Ballesteros.
Umaariba ng sayaw si Frankie Arinoli na papel ni Jose sa kalyeserye.
Teka, totoo bang nagtatampo ang ilan sa mga Cuando, Cuando, Cuando niya dahil hindi nakasama ni Jose sa Philippine Arena noong magpalabas doon.
Bakit daw ang mga Rogelio ay kumpletong naroroon?
May nagkomento, hindi sila isinama ni Jose, dahil mahigpit sa Philippine Arena. Bawal magdala ng hagdan.
Mga taga-showbiz, kailangan din ng olympics
Balak ng Actors Guild of the Philippines na muling ibalik ang Star Olympic, ayon sa President nilang si Rex Cortes.
Ipakikita ng mga artista may kaalaman sila sa iba’t ibang uri ng sports.
Maganda namang magkaroon ng ganitong laro, kaysa pulos na lang pagpili ng Best Actor at Best Actress.
Nagdaos sila ng isang munting salu-salo sa MOWELFUND kamakailan
‘Ang aming pakikisimpatya sa probinsya ng Nueva Ecija’
Gusto po naming makisimpatiya sa mga taga-Nueva Ecija na pinerwisyo ng bagyong Lando.
Isa sa mga naging biktima ay ang kapatid natin sa showbiz na si Direk Kaka Balagtas, Vice Mayor ng San Antonio, Nueva Ecija.
Nasira raw ang mga pananim nila doon sa malawakang pagbaha. Isa ring naapektuhan ay bayan ng Jaen, maraming pananim din ang napinsala ng bagyo, ayon kay Mayor Santi Austria.
Si Mayor Santi ang nag-iimbita sa mga artista doon, tuwing may kapistahan para sumakay ng motorcade. Ang mga artistang dumalo sa mga nakapunta na sa Jaen ay sina Marian Rivera, Lovi Poe, Angel Locsin, Rochelle Pangilinan, Sexbomb dancers, Ejay Falcon, Derick Monasterio, Krystal Reyes, Miggs Cuaderno, Jazz Ocampo, Kim Rodriguez, at ang pinakahuling naimbitahan ay si Joyce Ching.
Gustong iparating ng mga artista ang kanilang pakikiisa na sana’y makaraos na ang mga napinsala sa problemang hinaharap nila.