Nora Aunor, umaming fan ni Marian Rivera!

MANILA, Philippines – Nakatrabaho na ni Nora Aunor si Dingdong Dantes noon sa Pari ‘Koy. At ngayong certified Kapuso na ang Superstar, kung bibigyan daw siya ng pagkakataon, gusto niyang makasama si Dingdong at ang asawa nitong si Marian Rivera dahil fan na fan daw talaga siya ng dalawa, lalo na ng Kapuso Primetime Queen.

Cast ng Bubble Gang, proud na proud sa IMBG

Sa dalawang dekada na ang Bubble Gang, hindi maitatangging naging Friday habit na ito ng mga Pinoy. Kaya naman ang buong cast ng longest gag show ay proud na proud na sabihing IMBG (I am Bubble Gang). Para sa kanila, ang Bubble Gang ay hindi lamang isang programang nagpa­patawa kundi sumasalamin din sa mga napapanahong kaganapan o isyu sa ating bansa.

Kris Bernal kakanta ng theme song ng Little Mommy

Isa na namang pangarap ni Kris Bernal ang matutupad dahil kakantahin daw nito ang isa sa mga theme songs ng upcoming primetime series niyang Little Mommy. At ka-duet niya rito ang gaganap niyang anak na si Chlaui Malayao.

 

Show comments