Wally tinalbugan na sina Michael V at Roderick P.
MANILA, Philippines – Walang kaduda-duda, si Wally Bayola na talaga ang tagapagmana ng yumao niyang idol na si Dolphy.
Dati ang sabi-sabi ay sina Roderick Paulate at Michael V. ang may hawak ng korona sa komedya.
Subalit sa kalyeserye, bumulaga talaga ang totoong Comedy King na si Wally B. Si Wally ang tipo ng bading na hindi maharot at mapanglait sa kapwa.
Hindi siya ‘yung tipong tili nang tili para mapansin lang at ‘di malaswa ang pagsasalita.
Kwento ni Wally, mahirap din daw magpatawa araw-araw. Dahil kay Wally, nabuhay ang imahe nina Bella Flores at Babalu.
Hindi akalaing mga lumang kaugalian pala ang papatok sa masa. Malaking bagay din ang pagkakatuklas kay Yaya Dub o Maine Mendoza dahil nabigyan ng buhay ang pagsasateleserye ng nakaugalian noon.
Malaking tulong din kay Alden Richards na apat na taon na sa GMA 7 pero ngayon lang talaga napansin.
May pakiusap lang para sa mga tagahanga ng AlDub, huwag naman n’yong ipagdamot ang inyong idolo sa mga tagahangang ibig magpakuha ng pictures sa kanila.
Public property po sina Alden at Yaya Dub, hindi sila eksklusibo sa iilang tao. Kung sina Alden at Yaya Dub nga ay willing pumirma ng autograph at magpa-picture, paano pa kaya kayong mga sasaway sa mga ito? Dapat tandaan, sandali lang ang kasikatan kaya dapat itong samantalahin. Buti nga may mga gustong magpalitrato sa idol n’yo kesa nakaupo lang sila na walang ibig lumapit at kumausap dahil hinihigpitan niyo.
Mabilis magsawa ang mga tao. Hindi pangmatagalan ang kasikatan, ‘wag mag-inarte.
Andrea walang takot, tatakbo sa pagka-bise mayor ng Calatagan
Walang katakut-takot si Andrea del Rosario, dating miyembro ng grupong Hotbabes ng Viva Films. Tatakbo lang naman siyang Vice Mayor ng Calatagan, Batangas. Tapos ng college si Andrea at may karapatang tumakbo ng anumang posisyon. Dating nabalita na dito kakandidato si AiAi delas Alas bilang mayor pero nagbago ng isipan.
- Latest