Hindi agad nakilala ng fans si Nadine Lustre nang umapir ito sa world premiere ng Felix Manalo sa Philippine Arena noong Linggo.
Blooming kasi ang beauty ni Nadine at sure ako na isa ito sa mga epekto ng kanyang flourishing showbiz career.
Star na star na si Nadine kaya hindi na siya ikinukumpara sa young actress na kaloka-like niya.
Nakatulong din sa nagmumura na star aura ni Nadine ang successful loveteam at teleserye nila ni James Reid.
Naloloka lang ako kay Nadine dahil pareho sila ni Pauleen Luna na walang mga driver as in sila lang ang nagmamaneho ng kanilang mga sasakyan.
Can afford naman sina Nadine at Pauleen na mag-hire at magbayad ng suweldo ng driver pero may mga babae talaga na mas komportable kapag sila ang nagmamaneho ng mga kotse nila.
Puwedeng umiiwas sila sa mga tsismis dahil kadalasan, ang mga amo na artista ang pinag-uusapan ng kanilang mga driver kapag nag-uumpukan. I should know dahil eyewitness ako sa mga driver na nagtsitsismisan sa parking lot sa tuwing pumupunta ako sa mga showbiz presscon at happenings.
Gabby mukhang artista na uli
Mukhang artista na uli si Gabby Concepcion ang sey ng mga malditong reporter na naka-sight sa kanya sa world premiere ng Felix Manalo sa Philippine Arena.
May mga nagkomento na haggard-looking si Gabby nang dumalo ito sa grand presscon ng Felix Manalo sa Manila Hotel noong September 22.
Mukhang pagod, maitim at namumula raw ang mga mata ni Gabby nang umapir ito sa Felix Manalo presscon.
Lalong napansin ang haggard na itsura ni Gabby nang magtabi sila ni Dennis Trillo sa presidential table.
Pero malaki na raw ang improvement ng physical appearance ni Gabby nang rumampa ito sa red carpet ng Felix Manalo.
Fresh-looking at parang nakapahinga na ang aura ni Gabby pero namumula pa rin ang kanyang mga mata.
Idineklara ng Guinness Felix Manalo winasak ang record ng mga bigating Hollywood film!
Ten thousand people ang bilang ng mga dumalo sa London premiere ng The Chronicles of Narnia: Prince Caspian noong June 2008 kaya na-getlak nito ang Guinness World Records ng largest attendance at a film premiere.
Effortless na naagaw ng Felix Manalo ang world record na hawak ng The Chronicles of Narnia dahil wala itong binatbat sa 43, 624 people na dumalo sa grand premiere ng pelikula ng Viva Films noong Linggo.
Walang puwedeng kumontra sa record na itinala ng Felix Manalo dahil pinatotohanan ito ng Guinness Records adjudicators na dumayo sa Pilipinas, nag-observe at nagbilang ng tickets.
Gulat na gulat sina Marco Frigatti at Victoria Tweedey ng Guinness Records sa napakalakas na sanib-puwersa na ipinamalas ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo.
Fifty five thousand-seater ang Philippine Arena kaya hindi nakapagtataka na matagal bago nakalabas ang mga sasakyan nang matapos ang premiere ng Felix Manalo dahil sa rami ng mga dumalo.
Mabuti na lang, mahaba ang pasensya ng mga tao dahil inaasahan na nila ang masikip na daloy ng trapiko na unang naranasan sa concert noon ni Katy Perry sa Philippine Arena. Habang papunta sila sa venue, nakakundisyon na ang kanilang mga isip na mahihirapan sila sa pag-uwi pero hindi ito isyu dahil mas mahalaga na mapanood nila ang Felix Manalo.