MANILA, Philippines – Dismayado ang buong bansa sa pagkatalo ng koponan natin na Gilas Pilipinas sa China sa FIBA Asia last Saturday. Ayon sa ibang sports commentators, cooking show pala ang palabas at hindi basketball game, huh! Maging ang sports writers sa ibang bansa ay cooking show rin ang tawag sa napanood na laban.
Siyempre, nalungkot kami para kay Manny V. Pangilinan na todo ang suporta sa Gilas. Wala kasi kaming nabalitaan na nagbigay ang gobyerno maski isang kusing bilang suporta sa ating pambatong koponan.
Sa tweets ni MVP sa Twitter bago ang laro, damang-dama niya ang pag-agrabyado sa atin ng bansang China kung saan ginawa ang tournament. Sa isang tweet ni Pangilinan, naubusan ng tickets sa laro ang ibang members ng coaching team. ‘Yung isa naman, ‘yung electric bus na sasakyan patungo sa venue at ayaw umandar dahil hindi na-charge ang baterya nito. Kaya naman walang masyadong warm-up ang players bago ang laro nila.
Sa totoo lang, sunug na sunog nga ang pagkaluto ng referees sa Gilas! Hindi lang sa China amuy na amoy ang pagluluto kundi maging sa Macau rin! No wonder, may tinatawag na lutong-Macau!
Sa mga nakaraang linggo, ang laban natin sa FIBA Asia ang most talked about sa larangan ng local sports habang sa showbiz naman ay ang AlDub (Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub) fever at ang pelikulang Heneral Luna.
Nora Aunor wala nang puot sa puso, nagpainterbyu na kay Aster Amoyo
Month-long ang birthday celebration ng isa sa most loved showbiz personalities, si Kuya Germs na mapapanood sa Saturday show niyang Walang Tulugan with the Master Showman.
Last Friday ay nag-taping na si Kuya Germs para sa kanyang first week of birthday. Dumagsa ang well-wishers sa Studio 6 ng GMA Network at isa na rito si Nora Aunor.
Sabi ni Aster Amoyo na may showbiz segment sa show, all’s well that ends well sa kanila ni Ate Guy. As we all know, nagkaroon ng hidwaan sa dalawa several years ago. But that’s water under the bridge wika nga.
Pumayag na si Nora na ma-interview ni Aster sa segment niya.
Anyway, happy, happy birthday Kuya Germs! Hinay-hinay lang sa trabaho!
Yaya Dub sa studio muna para hindi malamog ng fans
Classic din ang interview ni Ricky Lo kay Maine Mendoza aka Yaya Dub sa CelebriTV last Saturday. Aba, sa dinami-rami ng foreign celebrities na naka-one-on-one ni Ricky, itong ginawa nila ni Maine ay one for the books!
Si Ricky lang kasi ang nagsasalita at nagtatanong kay Yaya Dub. Fan sign naman ang sagot ni Maine. Pero siyempre, may pahayag din si Yaya Dub na posibleng ma-in love rin siya kay Alden Richards. Kailangan nga lang daw niyang magpaalam sa parents niya.
Of course, marami na ang naghahangad na makausap nang personal si Maine na boses talaga niya ang naririnig at hindi dubsmash. Wika nga, sa tamang panahon lahat mangyayari ‘yan!
Gaya ngayon, switching sina Alden at Yaya. Sa Broadway Centrum muna siya mananatili habang si Alden ay nasa barangays.
Eh, uncontrollable na rin kasi ang crowd sa Sugod Bahay Gang. Baka malamog nang husto si Yaya Dub kung mananatili siya nang matagal sa barangays. At least, si Alden, kering-kering malamog ng mga tao, huh!