Pastillas biglang-sikat!

Okay din si Pastillas Girl na broken hearted pala. Na-feature na siya at na-interview na rin ni Vice Ganda, kaya nga isa na siyang big factor sa It’s Showtime at marami na rin ang sumusubaybay sa kanya.  Ipinakita pa ang mga mag-a-apply na mga pogi sa Gandang Gabi Vice.  Grabe rin ‘yung suporta ng ABS-CBN kay Pastillas Girl.  

Sorry po, ‘di ako sure sa name niya kaya Pastillas Girl na lang, dahil sikat na sikat na rin siya kahit ilang sandali pa lang na umuugong ang pangalan niya.

At naakusahan pa siyang pabugaw pero mabilis naman ang depensa ng kanyang nanay na emosyonal na ipinagtanggol ni Teresa Hernandez laban sa online bashers ng kanyang anak at nakiusap sa kanilang kilalanin muna ang kanyang anak bago ito pagsalitaan ng masama.

Bagama’t labis daw siyang nasasaktan, tinitibayan na lamang ni Mommy Teresa ang kanyang loob para suportahan si Pastillas Girl.

“’Di lang nila alam kung gaano ko kamahal ‘yung anak ko. Hindi ko matatanggap ‘yung sabihin nilang binubugaw namin ‘yung anak ko,” saad ni Mommy Teresa.

Dagdag pa niya, suportado rin ng kanilang pamilya ang kanyang anak sa paghahanap nito ng kanyang Mr. Pastillas dahil ang tanging hangad lamang daw niya para rito ay lumigaya at makahanap ng lalaking mamahalin siya nang tunay.

Nagpasalamat naman si Pastillas Girl sa It’s Showtime dahil sa pagkakataong binigay sa kanya ng programa na buuing muli ang kanyang sarili.

“Hindi lang love life ang binubuo sa akin ng ‘Showtime,’ kundi pagkatao, relasyon sa kaibigan, at sa pamilya,” pahayag niya.

Condolences…

Goodbye, Emy!  Parang kailan lang ‘yung malaman kong may sakit  siya.  Dasal ang kailangan niya.  Kahit anong grabe ang sakit ng tao, kahit can afford na magpagamot, magpa-ospital, kailangan pa rin ang dasal para sa healing, sa less pains, fast recovery at iba pang konektado sa sakit.  Hindi ko alam ang sakit niya, sabi ko sa husband niya, si Mr. Bautista, tawagan or text ang names na nasa cellphone ni Emy. Ask for prayers kasi ang Divine Healer ay si Jesus Christ. May purpose si Lord God, at siya lang ang nakakaalam kung bakit patay na si Emy.  

Si Emy Abuan Bautista ay isang lehitimong entertainment writer. Isa sa respetableng manunulat.  At isa sa smart at good looking lady ng sirkulo ng showbiz (entertainment) writers at kolumnista ng PSN (Pilipino Star NGAYON) at PM (Pang Masa). Eternal rest grant unto Emy Abuan-Bautista. Condolences!

Condolence din kay Mell Navarro, Vice President ng PMPC sa pagyao ng kanyang mahal na ina, Mrs. Lourdes Navarro.  Ang kanyang labi ay nakahimlay sa kanilang bahay sa no. 4 Magsaysay St., Brgy San Agustin, Malabon City.  May her soul rest in peace! Amen!

Show comments