Glaiza hindi maamin si Benjamin

Glaiza de Castro

Ginawa pa pala ni Glaiza de Castro ang Amaya noong 2011, gusto na niyang gumawa ng album dahil maganda naman talaga ang boses niya at kumakanta-kanta siya sa gigs ng mga kaibigan noon pa.  Sumusuporta naman daw ang mga friends niya, pero hindi niya agad nagawa dahil nagkasunud-sunod na rin ang mga drama series na ginawa niya, lately na lamang niya ito nabigyan ng oras at nai-produce na rin niyang debut album niya na Synthesis.

Tinulungan siya sa songs ng mga kaibigang sina Angelica Panganiban at Alessandra de Rossi. Labor of love, parang gusto lamang niyang nag-try at 1,000 copies lamang ang pina-print niya pero nagustuhan ng mga nakabili at ngayon nasa pang 8,000 copies na ang napa-reprint niya at malapit na sila sa platinum records.

Naging successful din ang mga mall shows ni Glaiza at ngayon, matutupad na rin ang isa pa niyang dream, ang magkaroon ng solo concert, na magaganap na sa Saturday, October 3, sa Music Museum, titled Dreams Never End na ididirek ni Rico Gutierrez with Marc Lopez as her musical director.

“Salamat po sa lahat ng sumuporta, ang mga bumili ng ticket sa online from the US, Malaysia, Japan and Dubai, pupunta sila rito para manood, nakakatuwa, excited ako. Nagpapasalamat din ako sa mga special guests ko kasi hindi sila tumanggi nang imbitahan ko, sina Rhian Ramos, Aiza Seguerra, Jay-R, Kitchie Nadal and Asia’s Songbird, Regine Velasquez-Alcasid.

“Hiyang-hiya ako nang tawagan ko si Ate Regine, at tuwang-tuwa ako nang tanggapin niya ang imbitasyon ko. Makikipag-jamming ako sa kanila in some special numbers.”

Ang GMA Network ang media partner at ipalalabas  ito sa GMA 7.

Last soap ni Glaiza ang The Rich Man’s Daughter, may kasunod na ba ito?

“Wala po muna dahil magkakaroon ako ng mga shows abroad. Nasa Singapore po ako sa November 7 with Rhian Ramos, at sa November 26 to December 7, we will have a concert tour sa five cities ng Canada, sa Vancouver, Toronto, Winnipeg, at Edmonton kasama ko si Julia Clarete. Pero may natapos akong movie, ang Sleepless, tungkol sa call center agents na kulang sa tulog.  Rom-com ito at katambal ko sina Dominic Roco at TJ Trinidad, directed by Prime Cruz at isasali sa Quezon City Film Festival sa November.”

Biniro si Glaiza kung manonood ang ru­mored boyfriend niyang si Benjamin Alves?

“I hope so, bumili siya ng tickets, but honestly, hindi kami.  Siya po ang nagbigay ng title ng album na Synthesis. Naging close kami nang ginawa namin ang Dading at lumalabas man po kami, as a group, pero friends po lamang talaga kami.”

Show comments