MANILA, Philippines – Alamin ngayong Linggo sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) kung bakit nga ba marami pa rin ang nahihilig sa karakter ni Super Mario na nagse-celebrate na ng 30th anniversary ngayong taon.
Para naman sa fans, ihahatid ng KMJS ang Pikachu Outbreak sa Japan. At papasyalan pa ng programa ang pinakabago at pinakamalaking Hello Kitty Theme Park sa China!
Kakamustahin din ng KMJS ang artistang midget na si Allan Padua o mas kilala bilang si Mura. Taong 2010 nang maaksidente si Mura at mula noon ay hindi na siya nakabalik sa showbiz.
Dapat ding abangan ngayong Linggo ang ilang mga napapabalitang himala kasama na ang sinasabing naglalangis na imahen ng Our Lady of Mediatrix sa Caloocan at ang sinturon at kapa ng Nuestra Senora Virgen del Mar Cautiva sa La Union na diumano ay may dalang lunas.
Hindi rin dapat palampasin ang iba’t ibang mga masasarap na pagkain na may twist tulad ng cake na may mashed potato at fried chicken; crispy pata na may palamang embotido; at makukulay na hamburger.
Abangan lahat ng ito at marami pang iba sa Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Linggo, pagkatapos ng Ismol Family, sa GMA-7.
Hindi na kaila sa marami na mayroong thin line sa pagitan ng showbiz at pulitika. Ilang buwan na lang din bago ang voting day para sa Philippine general elections sa Mayo 2016. Kung kaya’t tampok sa MTRCB Uncut ngayong Linggo, Setyembre 20, ang ilang showbiz personalities na ngayo’y may katungkulan na sa gobyerno.
Isko nasa MTRCB uncut
Taong 1998 nang iwanan ni Isko Moreno ang showbiz at pasukin ang mundo ng pulitika. Mula sa pagiging Councilor ay naluklok bilang Vice Mayor si Isko ng Maynila, at ngayon, maugong ang balitang tatakbo naman siya sa Senado. Higit na kilalanin ang buhay ng 40-year-old public servant sa Klik kay Juan at Juana.
Mikikipag-Prangkahan! naman ang current Board Member ng third district ng Laguna at That’s Entertainment alumna na si Angelica Jones. Makakasama niya sa isang makabuluhang talakayan ang MTRCB Board Members na sina Gabriela Concepcion at Manny Buising.
Samantala, alamin mula sa I-Share Mo Kay Chair with MTRCB Chairperson Toto Villareal ang tungkol sa tamang pag-classify ng children’s shows at cartoons.
Kasama sina Bobby Andrews at Jackie Aquino, mapapanood ang MTRCB Uncut tuwing Linggo, 7:00PM sa Net 25.