Nakakaloka ang nangyari sa Mocha Girls sa Malaysia dahil anim na araw sila na ikinulong sa detention center ng Bureau of Immigration and Deportation.
Nakalaboso ang Mocha Girls dahil nag-perform sila ng walang permit at hindi dahil sa kanilang sexy production number.
Aral sa lahat ng mga Pinoy artist ang karanasan ng Mocha Girls, ang huwag mag-perform o tumanggap ng mga raket sa ibang bansa ng walang working permit.
Plano ng Mocha Girls na idemanda ang promoter na nagdala sa kanila sa Malaysia pero nangyari na ang nangyari. Nalagay na sila sa kahihiyan at nakakapraning na sitwasyon.
Kawawa naman ang Mocha Girls. Sila na ang naperwisyo, sila pa ang gagastos sa asunto.
Alden ibinulong kay Papa Joey na iba na ang nararamdaman kay Yaya DUb
Ibinulong daw kahapon ni Alden Richards kay Joey de Leon na parang iba na ang nararamdaman niya para kay Maine Mendoza aka Yaya Dub.
Kahit hindi nag-confide si Alden kay Papa Joey, halata sa kanyang mga kilos at facial reaction ang pagkagiliw niya kay Maine at napansin ito nina Wally Bayola at Jose Manalo dahil hindi na akting ang ginagawa nila ni Yaya Dub.
Matagal nang walang girlfriend si Alden at ito na yata ang tamang panahon para muli siyang magmahal.
Singer-actor na naadik na sa retoke, umalsang parang gulaman ang mukha!
Kalurky ang singer-actor na umalsa ang mukha dahil sa collagen filler na ipinalagay niya.
Hindi na natural ang itsura ng singer-actor dahil nasobrahan na yata sa collagen filler ang kanyang pisngi kaya malaki na ang ipinagbago ng face value niya.
Gabi-gabi rin na lasing ang singer-actor kaya naging puffy rin ang kanyang mukha.
Worried na ang concerned friends ng singer-actor dahil hooked na ito sa pagpaparetoke at parang hindi niya napapansin ang bad effects sa kanyang physical appearance.
‘Ang aming taos-pusong pasasalamat sa mga tumangkilik ng Startalk
Touching ang mga message na natanggap namin sa farewell episode kahapon ng Startalk.
Marami ang nagpahatid ng mensahe na mami-miss nila ang aming show na naging bahagi ng kanilang mga buhay.
May kuwento na 4-years old pa lang siya nang magsimula ang Startalk noong 1995 at nakasanayan na niya na panoorin ang aming show.
May mga nag-emote na magbabago na rin ang kanilang viewing habits, kasabay ng pagbababu kahapon ng Startalk na tumagal ng 20-years sa telebisyon.
Hindi napigilan ng Startalk staff ang maging emosyonal dahil sa katotohanan na tumaba, pumayat at tumanda na sila sa Startalk, pati na ang life lessons na natutunan nila.
Dahil sa Startalk, nakarating sila sa maraming lugar, nakahalubilo ang iba’t ibang klase ng mga artista, nagkaroon sila ng mga celebrity friends at kung anik-anik pa. Sa mga tumangkilik sa Startalk sa loob ng dalawampung taon, ang aming taos-puso na pasasalamat.