Kung hindi nga raw lumipat si Janno Gibbs sa TV5, malamang na may pagtatambalan ulit silang teleserye ni Manilyn Reynes.
Naging hit nga ang ginawa nilang My BFF at maraming fans nila ang umasang masusundan ito. Kaso ay biglang nag-ibang istasyon si Janno.
Sey ni Manilyn na career move daw iyon para sa dating ka-loveteam at alam niyang tama ang naging desisyon nito. “Kung saan naman siya happy, doon siya, ‘di ba?
“Hindi naman natin hawak ang desisyon ng ibang tao. If he feels na mas marami siyang magagawa sa ibang tahanan, then let’s be happy for him.
“Kami naman ni Janno, magkasama man kami sa work o hindi, still, nagkakaroon kami ng time na magkausap o magkuwentuhan.
“May mga fans nga na na-sad noong hindi na kami nagtambal ulit.
“Sabi ko, okey lang ‘yun. Marami pa namang pagkakataon,” ngiti pa ni Mane.
Kabilang si Mane sa bagong breakthrough teleserye ng GMA 7 na Destiny Rose. Gaganap siyang ina ng isang transwoman na gagamapanan ni Ken Chan.
Lance makikigulo na rin sa pulitika matapos humingi ng signs kay Lord
Tuloy na nga ang pagtakbo ng singer-actor na si Lance Raymundo bilang konsehal sa first district of San Juan City.
Balak sana ni Lance ay bigyan pa niya ng panahon ang kanyang sarili para mag-prepare sa pagpasok sa politics. Pero dahil in-encourage na siya ng ilang mga taga-San Juan na tumakbo, pumayag na ito sa request nila.
“Actually, sinabi ko na bibigyan ko pa ng at least five years ang pag-prepare for politics. Marami pa akong gustong malaman talaga.
“Pero dahil naramdaman ko ang suporta ng Team San Juan at ramdam ko na they want me in their team, I considered it.
“But before I said yes, humingi muna ako ng sign kay Lord. I want to make sure na tama ang gagawin kong pagpasok sa politics,” pahayag ni Lance.
Ang hininging sign ni Lance ay ang makakita siya ng electric blue na butterfly.
“I know na walang gano’n talaga. Pero kung may makita akong gano’n it m eans na meant for me ang pumasok sa politics.
“Heto ang nakakagulat talaga. In one event that I attended, biglang kumidlat ng malakas. So I saw lightning.
“Tapos biglang may butterflies na lumipad everywhere dahil nabulabog sila ng lightning.
“Then may babaeng lumapit sa akin at humihingi ng tulong para sa anak niya. I asked kung ano ba ang sakit ng bata? Sagot niya, ‘Blue baby po siya.’
“Kaya doon ako natulala talaga. Because all the signs are there. There was electric which was lightning. May mga butterflies tapos may blue baby.
“So that made me said yes.”
Bago nga mag-file ng kanyang COC (certificate of candidacy) si Lance, tatapusin niya muna ang lahat ng kanyang commitments. Kabilang na rito ang isang advocacy indie film tungkol sa human trafficking titled Pipamyalungan (Playground) na mula sa direksyon ni Ronald Rafer.