^

Pang Movies

Elha umabot sa P5-M ang iniuwi!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Hindi man nanalo ng grand prize sa The Voice Kids 2 sina Reynan at Esang, proud na proud pa rin daw si Lea Salonga para sa success ng dalawa. Nagpakita nga naman ng gilas ang dalawa, kaya panalo na rin sila kung maituturing.

Sa katunayan, dikit ang laban ni Reynan sa nanalong si Elha. Nakakuha siya ng 31.64 votes. Elha garnered 42.16 votes naman.

Si Esang na taga-Tondo ay nakatanggap naman ng 18.16 na boto.

Among the four, siya ang may karanasan na mag-perform sa TV. Minsan na daw siyang sumali sa isang pa-contest ng It’s Showtime, kaya kilala na raw niya si Billy Crawford, na naka-duet niya sa isang portion ng finals ng The Voice Kids 2.

Fourth placer si Sassa, na ang coach din ay si Bamboo. Kahit raw na hindi siya nanalo, sinabi naman ni Sassa na masaya siya para sa tagumpay ni Elha.

Umabot daw sa almost 5-M ang napanalunang prizes ni Elha na kilala during the contest as the Banana Cue girl.

JK binata na, nanliligaw na kay Andrea

Binata na at matangkad, bukod sa gwapo, ang 14 years old na si JK Labajo, who was one of the four finalists din ng first season ng The Voice Kids.

In the first The Voice Kids, ka-share ni JK sa stage sina Darren Espanto, Darlene Vibares at Lyca Gairanod na siyang tinanghal na champion.

JK was seen performing last Wednesday sa Showtime. Mapapanood din siya sa high rating series na Pangako Sa ’Yo, na gumaganap bilang Ardent na manliligaw ng teenager din na si Andrea Brillantes.

Bida sa Pangako Sa’yo sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Kathryn walang balak mangampanya

Speaking of Kathryn, first time pala niya na magiging botante this election.

Kathryn turned 19 this year. As of the moment, hindi pa raw niya tiyak kung sino sa mga napapabalitang kakandidato, specially bilang Presidente, ang kanyang iboboto.

In this election, wala raw balak si Kathryn na mag-campaign for a canditate for any position. Unang-una na raw bawal ito sa mga contract talents ng ABS-CBN.

Asked  if she has an idea kung sino naman ang iboboto sa mga kandidato ni Daniel Padilla, lalo’t bilang Presidente, ang maliksing sagot niya, lalong hindi niya alam.

Ejay Falcon walang reklamo kahit hindi na natutulog

Dalawa na sa mga pinag-aaral niyang mga kapatid ang magtatapos na ng college, na labis na ikinatuwa ni Ejay Falcon.

Hindi raw kasi siya nakapagtapos ng college, hanggang high school lang ang aktor kaya naman sobrang masaya siya na naabot ng kanyang mga kapatid ang hindi niya naranasan.

Nag-iba lang daw ang kanyang buhay, pati na ang kanyang pamilya, nang manalo siya sa Pinoy Big Brother (PBB). Naging daan ito para maging artista siya.

“Sa mga unang perang naipon ko bilang artista, ang una kung ginawa ay bilhin ang lupa na sinasaka ng aking stepfather.

“Dati kasi ay inuupahan lang namin ang lupa, na sama-sama naming sinasaka.

“Dito namin kinukuha ang aming ikinabubuhay,” pahayag ni Ejay.

Ngayon nga ay busy si Ejay sa seryeng Pasion de Amor at pati na rin sa episode ng Wansapanatym, I Heart Kuryente Kid, wala raw reklamo si Ejay kahit kung minsan, ay halos hindi na siya natutulog.

Bailey, Ylona, Franco, at Jimboy, pwede nang magkaroon ng show!

Kayang-kaya na ng apat na teenage finalists ng Pinoy Big Brother (PBB), na sina Bailey, Ylona, Franco, at Jimboy na magkaroon ng sariling show.

Aba, all four of them can sing, dance and act. Not to say that they are all good-looking too.

ACIRC

ANG

DANIEL PADILLA

EJAY

EJAY FALCON

ELHA

HINDI

KATHRYN

PANGAKO SA

SIYA

VOICE KIDS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with