MANILA, Philippines - Sumagot ang Sky Cable sa inihaing reklamo ng GMA 7 sa National Telecommunications Commission (NTC) laban sa tungkol sa umano’y pananabotahe sa signal tuwing Eat Bulaga.
Narito ang official statement ng Sky Cable :
Sa nakaraang dalawampu’t limang taon, kami sa SKY Cable Corporation, ang nangungunang digital cable TV service provider sa bansa, ay patuloy na nagbibigay ng walang kapantay at kalidad na serbisyo sa bawa’t pamilyang Pilipino. ?
?Ang mga paratang ng GMA 7 kamakailan ukol sa intensyonal naming pagputol ng signal ay walang matibay na basehan. Ito ay batay sa kanilang reklamong inihain noong Agosto 25, 2015, sa National Telecommunications Commission (NTC). ??Kung nawalan man ng cable TV signal nang mga panahong iyon, maaring ito ay naka-apekto lamang sa iilang mga lugar at kahit ibang channels ay maaaring nadamay, hindi lang ang GMA 7. ??
Handa ang SKY na makipagtulungan sa NTC sa kahit ano mang imbestigasyon ukol sa mga nasasabing pagkawala ng cable tv signal sa nasabing mga araw.??Para sa aming mga customers at stakeholders, pinapangako namin ang patuloy na pagbibigay ng taus-pusong serbisyo na para lamang sa inyo. Nangangako din po kami na lagi po kaming handa na ayusin ang mga ganitong isyu, kailan man ito mangyari.?
Pinakamalaking chorale competition sa bansa naghahanap na ng sasali
Inaanyayahan ng Manila Broadcasting Company ang iba’t-ibang choirs mula sa mga paaralan, parokya, komunidad, tanggapan, at maging mga special interest groups na lumahok sa 2015 MBC National Choral Competition.
Itinuturing bilang pinakamalaking all-inclusive choral competition sa bansa, tampok dito ang labanan sa children’s division at open category. Mahigit isandaang libong piso ang nakalaan sa mga magwawagi.
Magsasagawa ng live auditions sa Cauayan, Isabela sa ika-5 ng Setyembre; sa Iloilo sa ika-26 ng Setyembre; Cebu sa Oktubre 1; Palo, Leyte – Oktubre 3; General Santos City – Oktubre 10; Cagayan de Oro – Oktubre 11; Calasiao, Pangasinan – Oktubre 17; at sa Aliw Theater, Star City Complex, Pasay sa ika-24 ng Oktubre.
Ang mga choir sa iba pa‘ng mga lalawigan ay maaring mag-audition sa pamamagitan ng pagpapadala ng high-quality video lakip ang application form. Dapat itong matanggap sa MBC head office bago mag-ika-16 ng Oktubre.
Ang detalyadong contest mechanics ay maaring makita sa official Facebook page ng MBC National Choral Competitions.
Maaring magparehistro o magbigay ng iba pa’ng katanungan sa Yes FM Cauayan – 0927.388.8277; Love Radio Iloilo – 0917.501.7070; Easy Rock Cebu – 0917.315.3539; Love Radio Tacloban 0906.699.5732; Love Radio GenSan – 0916509.2222; Easy Rock Cagayan de Oro – 09127.704.0527; Love Radio Dagupan – 0932.424.4229, o kaya’y mag- email sa siouxstar@gmail.com para sa Mega Manila auditions.