^

Pang Movies

Alden biglang nakabili ng farm sa Batangas

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Kahit si Alden Richards ay nagugulat sa suporta na ibinibigay ng tao sa loveteam nila ni Maine Mendoza aka Yaya Dub sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

Ikinatutuwa pa ni Alden dahil hindi lang sa masa patok ang tambalan nila ni Yaya Dub kundi maging sa mga working class. Sobrang tuwa pa ni Alden dahil kahit saang sulok ng mundo na may Pinoy ay sumusubaybay sa kanila ni Yaya Dub sa Twitter at Instagram.

Kahit hindi pa sila nagkikita nang personal ni Maine, wala namang patid ang mga tao sa pagkukuwento sa kanya tungkol kay Yaya Dub mapa-social media kung gaano raw ka-“nice person” at mahiyain sa totoong buhay ang Dubsmash Queen.

Excited din si Alden na makilala ng personal si Maine dahil pareho raw silang maasikaso at maalaga sa pamilya. Pero hindi raw niya pinipilit na magkikita at mag-uusap sila nang personal ni Yaya Dub. Basta ini-enjoy lang niya kung ano ang flow sa kalyeserye nila kahit walang script.  

Kung dati ay maiksi lang ang kulitan nila, ngayon ay inaabot na sila ng 30 minutes kasama sina Lola Nidora (Wally Bayola) at Frankie (Jose Manalo).

Excited naman si Alden sa pinaplano ng GMA Network sa mga gagawin niyang project. Hindi pa lang niya alam kung pagsasamahin sila ni Maine dito. Hindi naman daw malabo na magtuluy-tuloy ang loveteam nila sa serye o kahit pa sa movie.

Habang naghihintay ay nag-a-under go siya ng workshop kung saan nakatatlong session na siya kasama ang pag-aaral niya ng hosting, personality development, at acting. Kahit buong linggo ang trabaho niya sa Kapuso Network, may time pa rin si Alden na makipag-bonding sa kanyang pamilya kung saan sila kumakain sa labas after ng kanyang mga commitment.

Pinaaayos na rin ni Alden ang bagong bahay nila sa Sta. Rosa, Laguna at inaasikaso na rin ng tatay niya ang nabili niyang farm sa Batangas.

vuukle comment

ALDEN

ALDEN RICHARDS

ANG

DUBSMASH QUEEN

EAT BULAGA

JOSE MANALO

KAHIT

LOLA NIDORA

MAINE MENDOZA

STRONG

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with