Kathryn at Julia iinit ang labanan

Kung kasalukuyang tinatangkilik ngayon si Kathryn Bernardo bilang Teen Queen, ang tinuturing naman ngayon na Royal Princess ng drama ay si Julia Montes.

Parehas nagsimula sina Kathryn at Julia bilang mga young star. Magkasama sila sa remake ng Mara Clara kung saan gumanap si Kathryn bilang ang bidang si Mara at si Julia naman bilang ang kontrabidang si Clara.

Nagkanya-kanya sila ng landas sabi nga ni Kathryn nang sila ay tumungtong sa edad na trese. Nagkaroon ng ka-love team si Kathryn sa katauhan ni Daniel Padilla, si Julia naman ay tatlo ang teleseryeng magkasunud-sunod na ginawa with Coco Martin.

Ito ay ang Walang Hanggan, Ikaw Lamang at ang episode ng Wansapanataym, na The Trea­sure of Yamashita’s.

Sa ngayon ay nagsu-shooting si Julia sa pinaka-challenging role daw para sa kanya, ang Doble Kara kung saan dalawang tao ang gagampanan niya.

Makakapareha ni Julia sa Doble Kara ang dalawang bagong leading men na sina Edgar Allan Guzman at Anjo Damiles. Also starring are Carmina Villaroel, Mylene Dizon, Gloria Sevilla, John Lapuz, Allen Dizon at Alora Sasam.

Fans ni Carmina, pinapanalangin na bumait na siya!

Speaking of Carmina, napaka-swerte niya dahil biruin n’yo, katatapos lang ng series na Bridges of Love kung saan gumanap siya bilang all-out kontrabida na kaiinisan mo talaga.

Hindi pa binibigyan ng idea ang TV viewers ng tiyak na role ni Carmina. Pero sana naman ‘wag kontrabida sabi ng mga tagahanga ni Carmina.

Love Affair pinipilahan pa

Congratulations to creative genius, Vanessa Valdez na siyang sumulat ng story at script ng kasalukuyang pinipilahang The Love Affair, showing in 190 theaters nationwide Directed by Nuel Naval and starring Richard Gomez, Dawn Zulueta at Bea Alonzo, ang kwento ng The Love Affair at may kinalaman sa pag-ibig, pagtataksil at redemsyon.

Mother Lily at FPJ, back-to-back ang birthday!

Happy birthday to Mother Lily Monteverde who turns a year older today, August 19. Ka-birthday ni Mother si President Manuel Quezon.

Bukas naman, August 20, birthday The King, Fernando Poe Jr.

Show comments