John Lloyd at Toni, nakikialam sa buhay ng iba?

MANILA, Philippines - Makikialam sina Toni Gonzaga (Julie) at John Lloyd Cruz (Romeo) sa love life ng kanilang mga kaibigang sina Boom Labrusca (Cholo) at Aiko Climaco (Abby) sa bagong episode ng Home Sweetie Home ngayong Sabado (Agosto 15).

Para maisalba ang pag-iibigan ng kanilang mga kaibigan, makikisali sina Romeo at Julie sa problema nina Cholo at Abby dahil gusto umano nilang tumulong. Ngunit papayuhan sila ni Nanay Loi (Sandy Andolong), na kababalik lang sa bansa, na minsan may mga pagkakataon talaga na dapat hindi nakikisali, gustuhin man nating tumulong.

Makikinig kaya sa payo ni Nanay Loi sina Romeo at Julie? Abangan ngayong Sabado.

 KAPUSO Kombo Panalo 2015 mas malaki na ang papremyo!

Mas bonggang papremyo ang hatid ng Kapuso Kombo Panalo proof-of-purchase promo ng GMA Network ngayong 2015 kung saan isa ang maaa­ring manalo ng P50,000 cash (tax-free) weekly grand prize. Bukod dito, 56 weekly winners naman ang mag-uuwi ng tig-P5,000 cash. Magkakaroon din ng 16 weekly winners ng Kombo packages - Eskwela, Appliance, o Grocery package na nagkakahalaga ng P10,000 cash each.

Ang Kapuso Kombo Panalo drop boxes ay matatagpuan sa lahat ng GMA at RGMA station nationwide. Ang promo ay tatakbo mula August 9 hanggang September 19, 2015.

Para sa karagdagang detalye, tignan lamang ang mga poster o pumunta sa official Facebook page ng Kapuso Kombo Panalo, www.facebook.com/kombo. 

Jairus, magbibigay pag-asa sa MMK

Tunghayan sa Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN ngayong Sabado (Agosto 15) ang pagbabahagi ng life story ng isang student-athlete na sinubok ang tatag at tiwala sa sarili nang magkaroon siya ng malubhang sakit sa buto. Bibida sa upcoming MMK episode ang Kapamilya teen star na si Jairus Aquino.

Sa kabila ng pagdanas niya ng hirap sa paglalakad, sinikap ni Efren (Jairus) na labanan ang kanyang sakit para maabot ang kanyang pangarap na makasali sa track-and-field program ng kaniyang eskwelahan.

Ano nga ba ang mga paghihirap na pinagdaanan ni Efren upang mapagtagumpayan niya ang pinakamalaking pagsubok ng kanyang buhay?

Saan nga ba siya kumuha ng lakas ng loob para harapin ang kanyang mga takot at pag-aalinlangan sa kanyang kakayahan?

Kasama rin sa upcoming episode sina Emilio Garcia, Assunta de Rossi, Manuel Chua, John Bermundo, Joaquin Reyes, at Kyle Banzon. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Garry Fernando.

Show comments