Si Kris Aquino pala ang kumumbinsi kay Kim Chiu para tanggapin ang papel na mistress sa pelikulang Etiquette for Mistresses.
“Sinabi ko kay Kimmy gawin mo ito kasi may powerful message ito sa kabataan na pagpapasukin mo ang ganitong klaseng buhay, be prepared for the consequences and seriously there are very big consequences,” sabi ni Kris kahapon sa Kris TV.
Nilinaw din ng TV host na ang pelikula ay hindi naglalayong i-glorify ang mga mistresses.
“Klaruhin natin -- hindi ito glorification ng pagiging kabit kasi makikita natin ‘yung pain na pagdadaanan,” say pa ni Kris.
Ayon naman kay Kim, noong una raw ay talagang natakot siya sa magiging reaksyon ng fans sa nasabing role.
“Parang natakot ako sa reaction ng mga fans, reaction ng mga tao, sa role ko na ganoon. Then nung nabasa ko ‘yung script hindi naman pala,” kwento ni Kim.
Bukod sa challenging ang role, malaking honor din daw sa kanya na makasama sina Kris, Iza Calzado and Claudine Barretto.
“Pero given the chance na makasama ko kayo and sila Ms. Iza and Ms. Clau, si Cheena at si Direk Chito (Roño), parang na-challenge ako at ‘yung role is also challenging. Nine years na ako sa showbiz, why not kumuha ako ng challenging na role,” say pa ni Kim.
Korina 10 months pinagplanuhan ang mga beki
Malapit kay Korina Sanchez-Roxas ang mga beki (another term for gays) kaya naisipan niyang i-organize ang KeriBeks na ginanap nga sa Smart Araneta Coliseum last week at dinaluhan ng mga naglalakihang celebrities and gay icons sa bansa kabilang na sina Vice Ganda, Maricel Soriano, Martin Nievera, Maria Sofia Love and Anne Curtis.
“Maaaring biglaan ito para sa ilan. Ngunit para sa mga taong kilala ako, alam nila ang puso ko para sa mga Beki, matagal ko na silang mahal at tinutulungan. All my career I’ve been surrounded by bekis,” pahayag ni Korina nang makapanayam siya matapos ang star-studded at successful event.
Late last year nabuo ang KeriBeks at 10 months itong pinagplanuhan. Say ni Ate Koring, sinabi lang niya ang tungkol dito sa asawang si Mar Roxas isang buwan bago maganap ang event.
“Hindi ako sigurado kung ano ang iisipin kasi nya, kaya sobra kong saya nung sinabi niya na maganda ang ginagawa namin at suportado niya ito.”
Ideya raw ng mga kaibigan niyang gays sa entertainment industry ang KeriBeks at nagustuhan naman daw niya agad ang konsepto dahil noon pa raw niya talagang gustong tulungan ang mga beki.
Pagda-diet ni Sharon mauunsyame!
Kasalukuyan palang naka-confine ngayon sa St. Luke’s Medical Center si Megastar Sharon Cuneta ayon na rin sa kanyang post sa Facebook account niya kahapon. Sa kwento niya, three weeks na raw siyang ubo nang ubo at lagi siyang pagod kahit wala namang ginagawa kaya nagpa-check up na siya at in-advise na magpa-confine na.
“I have been coughing for over three weeks now. I went on antibiotics for two of those three weeks, and I didn’t get better at all. I am always tired even when I’m not doing anything, also always dizzy, and yesterday I finally (yes, just yesterday. Matigas minsan ang ulo ko, ayaw agad pumunta sa doktor!) went to see my E.N.T. at Cardinal Santos.
“Well now I am confined at St. Luke’s because my doc warned me that I am contagious (Miguel already got sick. Am sure nahawa sa akin.) and I still don’t know what’s wrong with me, except for what my doc yesterday saw were allergic rhinitis and a post-nasal drip and a bacterial infection that all started when I was in the States. Also, my heartrate is racing even when I am sleeping.
“This, apparently, is the cause of my constant tiredness. Para akong excited na nanonood ng concert ng One Direction (sorry, I’m really a fan! Blame my girls!:-)) kahit na nakahiga lang ako at nagbabasa. I know this because I had a 2D Echo test with one of my cardiologists last night,” bahagi ng post ni Sharon.
Okay naman daw ang CT scan niya at sa isa pa niyang post, okay din daw ang chest X-ray niya.
“But fungal infection pa. Ngee. Longer to heal but at least it’s being addressed na. Low albumin (Been dieting kasi. Ayan, pause na naman.), so they’re adding a vitamin with that and proteins to my I.V.. Please pray that whatever else isn’t supposed to be in my body goes away na. Love you all. Thanks so much. God is good! Pulmonologist next,” post pa ni Megastar.