Drama actor na feeling sikat, nawalan ng trabaho!
Hindi na raw puwedeng mag-guest ang drama actor na ito sa isang show dahil sa pagpapakita nito ng kanyang kayabangan.
Naimbiyerna ang staff ng show sa pagiging arogrante ng drama actor na feeling ang galing-galing niya.
Kaya sa mga future episodes ng show, kesehodang mag-ulit sila ng guest, huwag lang nilang makita sa set ang mayabang na drama actor.
“Ang yabang-yabang ng taong ‘yan. Hindi naman siya guwapo o magaling, Ewan ko ba kung bakit naging artista ‘yan?
“Feeling niya ang dunung-dunong niya. The nerve na turuan niya ang staff kung ano ang dapat niyang gawin at hindi dapat gawin sa show.
“Siya lang ang kauna-unahan na gumawa niyan sa amin. Ano naman ang karapatan niyang gawin iyon?
“No wonder kahit sa mga teleserye na kabilang siya, kinaiinisan din siya ng staff dahil sa kayabangan niya!” talak ng source namin.
Naloka raw ang staff ng show sa drama actor dahil may list of demands ito na pinadala sa talent coordinator ng show bago siya um-oo sa guesting.
Kasama sa listahan ay ang may sarili siyang dressing room, gusto niya ay solo lang siya kapag nasa set na siya at bawal siyang tanungin tungkol sa kanyang personal life.
“Akala mo naman big star siya, ‘di ba? Ano ang karapatan niyang diktahan ang mga tao sa show? Kung ang mas kilala at mas sikat na artista kesa sa kanya ay walang mga ganyang demands, siya pa na isang starlet pa rin?
“Sino kaya ang nagsabi na magaling siya? Marunong lang siyang mag-ingles akala na niya kayhusay-husay na niya? Tigilan niyan kami!” patuloy na talak ng source namin.
Kaya ang ending cancelled ang guesting ni mayabang na drama actor at sinabihan siya na never na siyang kukunin. Dahil hindi kailangan ng show ang isang nagmamarunong at feeling star na tulad niya.
Timmy Cruz at Mayor Herbert nagkrus uli ang landas!
Nakakatuwang malaman na aktibo pa rin sa kanyang career ang ‘80s singer-actress na si Timmy Cruz.
Kasama si Timmy sa bagong primetime teleserye ng GMA 7 na My Faithful Husband.
Naging aktibo ulit si Timmy sa pag-arte sa TV noong 2011 pagkatapos ng higit na sampung taon na pagkawala sa showbiz. Bukod sa pag-arte ay kinukuha rin siyang guest at mag-host ng mga events.
Isang unforgettable event nga ay ang pagkakasama ulit nila ng kanyang dating leading man na si Herbert Bautista.
Nagtambal silang dalawa sa mga pelikula ng Viva Films na Kumander Bawang at M&M.
“Who would ever thought that Bistek would become mayor of Quezon City? I never saw that happening noon. Iba talaga ang mga plano sa atin ni Lord. I guess it was destiny that made him who he is now,” sey pa Timmy.
Nakilala rin si Timmy dahil sa kanyang hit song noong 1987 na I Love You, Boy.
Hanggang ngayon ay pinapatugtog pa rin ang classic hit niyang ito at inawit na ito ng ilang singers na.
“Para sa isang singer na katulad ko, it’s always an honor to hear a song you’ve written more than 18 years ago still being played on the radio and being sung by different people.
“I am just thankful that God gave me the gift of writing that song,” ngiti pa niya.
Nagsusulat pa rin ng mga songs si Timmy at naglabas nga siya ng bagong CD titled Circles of Love na puro mga inspirational songs ang nilalaman.
Robert Downey undefeated pa rin sa pagiging highest paid actor ng Forbes!
Ang Hollywood actor na si Robert Downey, Jr. ang tinanghal sa “highest paid actor” for 2015 ng Forbes Magazine.
Ito ang third consecutive year na nasa number one spot si Downey dahil sa kinita niyang $80 million dahil sa mga ginawa niyang pelikula na Iron Man 3 at Avengers: Age of Ultron.
Pumangalawa kay Downey ay si Jackie Chan na kumita ng $50 million at ikatlo naman si Vin Diesel na kumita ng $47 million.
Pang-apat ay si Bradley Cooper with $41.5 million; pang-lima si Adam Sandler with $41 million at pang-anim si Tom Cruise with $40 million;
Kasama rin sa top 10 ay ang mga actors from Bollywood na sila Amitabh Bachman, Salman Khan, and Akshay Kumar na pare-parehong kumita ng $33 million.
- Latest