^

Pang Movies

Career ni Alden nabuhay kay Yaya Dub

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Walang inggit kay Alden Richards ang mga senior and junior co-hosts niya sa Eat Bulaga. Nang hilingin ng GMA Artist Center sa TAPE, Inc. na subukan si Alden sa programa dahil wala pa siyang masyadong ginagawa, tuluyan nang na-extend ang isang buwan lang sana niyang pagiging bahagi ng programa.

Ngayon, Alden’s lording it over his senior and junior co-hosts dahil halos siya na ang sentro ng kabuuan ng programa lalo na’t patuk na patok pa sa tao at trending nationwide and worldwide ang Al-Dub loveteam nila ni Yaya Dub, huh!

“Ang kagandahan po sa kanila, ang napuna ko, sa lahat ng shows na pinanggalingan ko especially va­riety shows, ang ikinaganda ng Eat Bulaga, wala pong kumpetisyon. Walang kumpetisyon ang mga host.

“’Pag alam nilang bago ka, they will help you. They will tell you things that they know already especially with hosting. Kung paano to interact with them. Hindi po ako naiiwan eh. Kumbaga, dalang-dala ako ng Dabarkads kaya ganoon ang pagpapasalamat ko especially Tito (Sotto), Vic (Sotto), and Joey (de Leon).

“Being in Eat Bulaga is a blessing. Kaya I would really hold on to this at pag­hihirapan ko ang everyday ko sa Bulaga. I will make the most out of it, and be better everyday!” paliwanag ng “Ang Pambansang Bae” ngayon.

Kaya naman heto’t pinapirma ang aktor ng four-year movie contract ng APT Entertainment at pinag-iisipang gawan ng movie sila ni Yaya Dub dahil nga sa init ng pagtanggap ng publiko sa nangyayari sa Bulaga.

Sa nasabing contract signing, naikuwento ni direk Mike Tuviera sa imbestigasyong ginawa na may crush na pala si Yaya Dub kay Alden.

Baka naman mahirapan lalo siyang magkaroon ng dyowa dahil kay Yaya Dub?

“Ha! Ha! Ha! I’m just enjoying the moment now. Lahat, everything’s in place. Kumbaga, ako, I’m not closing my doors. I am open with possibilities kahit noon pa man. Whatever comes, if it’s for you, it’s for you,” rason ng aktor.

Nagagandahan naman ba siya kay Yaya Dub?

“Maganda si Yaya Dub!” tugon niya.

Ano kaya ang mararamdaman niya ‘pag nagkita sila in person?

“Kahit ako, hindi ko alam,” saad ni Den.

Handa na ba siya sa mga puwersang naghahangad sirain ang loveteam nila? May tsismis na lumalabas na nagkita na raw sila ni Yaya Dub at gimik lang ang ginagawang hindi pa sila nagkikita.

“Ganoon talaga eh. ‘Pag may something hot diyan, may gagawa ng way para patayin ang apoy! So kami po, kung ano ang totoo, kung ano ang factual sa amin, kung ano ang truth, ‘yun lang naman po ang lumalabas eh.

“So if ever na may tsismis na nagkita na kami, communicate, wala po talaga!” diin ng Kapuso actor.

Eh si direk Mike ba ang magdidirek ng unang Al-Dub movie?

“Ay, hindi ako papayag na hindi!” deklara ng director.

Dahil nga sa nilikhang mania sa buong mundo ng Al-Dub, hindi kataka-takang maisama rin sila sa festival movie nina Vic Sotto at AiAi delas Alas, huh!

 

vuukle comment

ACIRC

AL-DUB

ALDEN RICHARDS

ANG

ANG PAMBANSANG BAE

ARTIST CENTER

BULAGA

DUB

EAT BULAGA

STRONG

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with