^

Pang Movies

Kaya inurong ang concert, kinasuhan noon ng Pinoy singer Jim Brickman natakot makulong sa ‘Pinas!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kanselado na ang concert ng award-winning American songwri­ter and pianist na si Jim Brickman sa The Theatre ng Solaire Resort and Casino title The Platinum Tour.

Special guest pa naman ni Brickman si Lea Salonga.

Si Jim Brickman ang sumulat ng mga classic hits na The Gift, Valentine, Your Love, at Destiny.

Sa kanyang Facebook account ay nag-post si Brickman ng kanyang apology sa pamamagitan ng isang handwritten note.

“It is with great sadness that I am unable to appear in Manila on Sa­tur­day, August 8, 2015 due to issues beyond my control. Words can’t express my sadness & dissapointment that I have. I am so thankful for continued love & understanding. Please know that I am so very grateful for your love and friendship, and it is not by choice that I am prevented to come. I promise to find a way make this up to you very soon. Salamat with love, Jim Brickman”

Inabisuhan pala si Brickman ng kanyang legal counsel na si Atty. Numeriano “Jun” Rodriguez, na huwag na itong tumuloy sa kanyang Manila performance due to “a legal matter in the Philippines pursuant to a previous case has made it difficult for all parties to proceed with the event.”

Kung matatandaan ay nag-file ng copyright infringement laban kay Brickman noong 2007 ang Filipino singer and songwriter na si Nelson del Castillo.

Kinopya diumano ni Brickman ang melody ng 1994 hit song ni del Castillo na If at ginawa raw niya itong Hope.

Sa isimumite na subpoena noong 2009, na-violate raw ni Brickman ang RA 8293 or Intellectual Property Code of the Philippines.

Inihain nga ang naturang subpoena kay Brickman noong kasalukuyang nandito siya noong 2009 para sa isang concert na ginanap sa Eastwood Mall.

Walang naging report kung naayos ba ang kaso o kung nasa korte pa rin ba ito.

Makikipaghiwalay na naman? Halle Berry hindi na kaya ang pagiging mainitin ng ulo ng mister

Balitang hindi na raw happy ang Oscar winner na si Halle Berry sa pagsasama nila ng kanyang French actor-husband na si Olivier Martinez.

Ayon sa report ng Radar Online, mukhang pinag-iisipan na ni Halle ang maghain ng divorce papers kung hindi mababago ng kanyang mister ang pagiging ma­initin ang ulo nito. Dalawang taon pa lang nagsasama sina Halle at Olivier pero nakailang beses na raw nagpakita ng kanyang temper trantums in public si Olivier na ikinakatakot ng aktres para sa kanilang anak.

Pinapa-attend ni Halle ng anger management counseling si Olivier pero hindi raw ito ginagawa ng aktor.

Twice na kasing nagawang ma­kipag-away sa publiko ni Olivier. Una ay noong suntukin nito ang ex-lover ni Halle na si Gabriel Aubry. At panga­lawa ay noong may may in-assault ito na employee ng Los Angeles International Airport.

Nakita in public kamakailan si Halle na walang suot na wedding ring. Ito na raw kaya ang senyales na makikipag­hiwalay na siya kay Olivier?

Kung matuloy nga ang divorce, ito na ang ikatlong beses na makikipaghiwalay si Halle. Una siyang kinasal kay David Justice in 1993 at pangalawa kay Eric Benet in 2001. Kinasal sila ni Olivier noong 2013.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRICKMAN

DAVID JUSTICE

EASTWOOD MALL

ERIC BENET

HALLE

HALLE BERRY

JIM BRICKMAN

OLIVIER

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with